RD 22

80.9K 2.8K 568
                                    

Salamat.

Phase 22







Isa't kalahating araw ang itinagal ng biyahe patungong Bohol, gutom na gutom pa ako dahil pamasahe lang talaga ang pinadala ni Mama sa akin. Mabuti na lang at may pambili pa ako ng tinapay at tubig para sa isang araw, iyong naipon kong pera kasi galing sa aking part time ay naibigay ko kay Lola para kila Ate Ivy noon. Hapon nang marating ko ang lugar namin, ganoon pa rin ang eskinita ngunit lumawag na ang ilang espasyo dahil nawalan ng ilang bahay sa looban.

Nagyuko ako ng ulo dahil sa ilang taong nagsusugal sa tabi ang nakapansin sa akin, nagbulungan pa ang ilan sa kanila.

"Naku, 'yan yata 'yung anak ni Sabina."

"Oo nga, kamukha."

"May bago na namang pagpipiyestahan ang mga manyak dito."

"Sigurado! Mukhang makinis pa naman!"

Nagtawanan sila sa sinabi noong isang maingay na matandang babae habang naglalapag ng baraha, hinawakan ko ang strap ng aking bag at mas binilisan ang paglakad ko. Isang maliit pa na eskinita ang papasukan ko patungo sa aming bahay. Bawat eskinita sa looban ay may higit sa limang magkakadikit na bahay, magkakasing sukat pero may ibang pinalagyan ng pangalawang palapag upang tumaas. Walang pagbabago sa paligid ng lugar, nanatili pa ring maraming sugarol at maingay gawa ng mga batang naglalaro at nagsusugal. Mayroon pa akong nadaanang nag-aaway na mag-asawa, iniwasan ko na agad at minadali ang paglalakad ko. Nabisita naman ako noong nakaraang taon pero hindi rin nagtagal dahil uminit ang ulo ni Mama sa akin.

Kumatok agad ako sa pinto ng bahay namin nang makarating sa tapat, mabilis kong sinuot ang salamin sa mata ko habang hinihintay ang pagbubukas ng pinto. Narinig ko ang boses ni Mama, papalapit na at doon binuksan ang pinto. Napansin ko ang pamumula at pamumungay ng mga mata niya agad, ngumisi siya sa akin at parang lasing na inakbayan ako papasok.

My eyes broadened in surprise, suminghap ako at inalalayan siya sa baywang dahil tila matutumba pa kaming dalawa. Mabilis niyang sinara ang pinto sa likuran namin at dinouble lock iyon. Sumalubong sa akin ang magkakahalong amoy ng dahon, sigarilyo at alak. Pati na rin ang makalat na sala.

"Andito na ang panganay ko!" natatawa niyang sinabi.

Tumawa ang tatlong kasama niya sa loob na kanya-kanyang nagligpitan ng mga gamit sa lamesa, isang mag nobyo't nobya at isang lalaki ang naroon na pinapanuod naman kami ni Mama. Iyon yata ang boyfriend niya.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila, kagaya ni Mama ay mapupungay ang mga mata at namumula pero walang oras matulog dahil active ang mga isip. Alam ko na agad kung anong mayroon dito, hinila ni Mama ang braso ko at pinakilala ako sa mga kasama niya.

"Ayan, anak ko nga pala. Loraes ang pangalan niya. Maging mabait kayo." tawa ni Mama at tinuro ang mga kaibigan. "At iyan naman ang mga kaibigan natin, nak. Si Maris, Joel at Joseph."

Huminga ako nang malalim at tumango sa kanila, pinilit kong ngumiti dahil pinapangunahan ako ng kaba.

"Magandang tanghali, Loraes!" maligayang pagbati ni Maris sa akin. "Ako nga pala ang matalik na kaibigan ng Mama mo simula noong isang araw lang!" humalakhak siya.

Hinila ako ni Mama para ilayo sa babae, tinuro niya ang isang kuwarto na tinutuluyan ko noon. Tawa nang tawa si Mama kahit walang nakakatawa, my chest tightened up while looking at her. Parang pinipilipit ang puso ko dahil sa nangyayari sa buhay ni Mama, sumasabay pa ang problema ko.

"O, sige na. Doon ka muna, mag-uusap tayo mamaya. Papaalisin ko lang ang mga 'to." muli niyang tawa.

Tumango na lang ako at mabilis sumunod sa sinabi niya dala ang bag ko, sinulyapan ko pa ang mga kasama niya. Halos magkakaedad lang sila at mukhang nagkakasundo sa gawain, sinara ko na ang pinto ng kuwarto at pagod na naupo sa kutson. Kung anong ginulo ng buhay ko sa Laguna ay paniguradong ganoon din dito, hindi ko inasahan na gumagamit na si Mama ngayon ng bawal na gamot. Ang alam ko lang noon ay Marijuana, hindi ko inasahan na mas lumala ngayon.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon