RD 33

87.2K 3.1K 925
                                    

Phase 33





Lumakad-lakad ako sa harapan ng tukador, marahan kong kinakagat ang aking kuko habang nakatingin sa wedding invitation ni Jazarah. Paulit-ulit kong pinapasadahan ng mga mata ko ang nakasulat doon. It will be held in Philippines, Makati. Isn't this too much? Seriously? Doon pa talaga malapit sa ospital kung saan intern si Primiel?

I don't know if some wind is really tricking my life, or this is just a sign that I should face the yesterday and somehow clear it to have a better life again. Gaya ng sabi ni Hollie, kailangan namin ng closure dahil isa iyon sa dahilan kung bakit pa rin ako bukas sa nakaraan hanggang ngayon. Maaring masyado akong guilty sa lahat, wala pa man. Hindi ko alam kung bakit pero kung isasara ko ang lahat mula sa kanya at magiging maayos ang aming usapan... baka, puwede na akong tumanggap ng panibago.

"Ano namang problema roon, Sovie?" Maysie asked while eating wheat bread on our dining table.

Kararating niya lang galing sa bahay nila upang bumisita rito. I already emailed my client about the project, gusto ko nang umpisahan iyon para maging excuse ko sa pagtanggi sa wedding invitation pero sumagot ang kliyente na wala pa siyang balak paumpisahan iyon ngayong taon.

Bumuntong hininga ako at tahimik na umiling sa kanya. Kinuha ko ang tasa ng kape at uminom doon, hindi ko pa rin lubos maisip ang maaring mangyari. Pero bakit ba ako umaasa roon? Malaki ang Maynila, ang Pilipinas. Hindi naman siguro kami magkikitang dalawa. Tama, tama! Malabo iyon, sa kasal ako pupunta. Hindi siya ang sadya ko roon.

"Alam mo, wala nga kayong official break up pero Hello, Sovie! Tatlong taon na, ang break up rule, three months lang! Hindi three years, kung ako sayo kagatin mo na si Kaito para maka move on diyan sa ex mo."

"Hindi ko alam, Maysie." I sighed.

"Sige, sabihin nating sobrang hot talaga ni ex pero hindi naman humuhuli si Kaito! Aba, modelo iyon at succesful din sa buhay! Hindi na masama, dahil sobrang good nga!"

"Ayokong gamitin siya sa pag momove on, hindi 'yon tama. Hangga't hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, ayokong sumubok."

"Ayan mismo!" sigaw niya. "'Yan mismong linya mo ang hindi tama, kasi paano mo malalaman kung hindi ka susubok? Paano ka lalakad kung hindi ka gagalaw? Lahat ng bagay kailangan subukan para malaman ang resulta, Sovereign. Hindi inuuna ang takot sa buhay dahil kahit anong takot natin, sa huli, mamamatay din tayong lahat. So why waste time hiding if we'll all end in the same way?"

Napangiwi ako. "Hindi naman kasi madali ang lahat."

Umismid siya, kumuha siya ng panibagong tinapay at isang beses na tinuro ako gamit iyon.

"Paano mo pa susubukan kung wala na tayo sa mundong ibabaw? Kaya nga may kasabihang Y.O.L.O., e. Google mo dear, para malinawan ka." nakairap niyang sinabi.

I flinched again and sighed. My phone beeped, kinuha ko iyon sa lamesa at binuksan para basahin ang text.

Kaito: Good morning, Sovieby. Will go there to have a brunch with you and Sim. Is it okay?

I smiled, nakita ko ang paninitig ni Maysie habang kumakain kaya kinagat ko ang labi para pigilan ang pagngiti at nagreply na kay Kaito.

Ako: Wala si Sim, sinama nila Mama sa park.

Kaito: Uhuh, it's fine. Be there in a few.

Hindi ko na sinagot iyon, umayos ako ng pagkakaupo. Nilapag ko ang cellphone sa lamesa ulit, madalas naman si Kaito sumabay sa akin ng agahan kahit nga nasa opisina ako. Sanayan na lang sa presensya niya talaga. Napatingin ako kay Maysie na biglang inayos ang kanyang mga gamit sa bag, nagmamadali siyang tumayo.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon