RD 6

110K 3.9K 2.7K
                                    

Phase 6

O pare ko, meron akong problema
Wag mong sabihing "na naman"
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan,
Huwag na nating idaan sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan!

Tumawa ako nang sabayan ni Zoren ang kanta sa stereo ng sasakyan ni Girbaud habang nasa biyahe kami patungong secluded bridge, he's now sitting in the back seat while eyes are closed and singing raspily. Kanina pa siya kanta ng kanta, sinasabayan lang ang bawat singer na kumanta sa speaker. Nakikisabay din ako sa pagtatambol ng aking mga palad sa hita ko.

"Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin!" Girbaud followed while laughing huskily.

"O, Diyos ko, ano ba naman ito?
Di ba? 'Tang ina! Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to!" sabay-sabay kaming tatlo na kumanta noon at nagtawanan.

Mula sa likod ay dumungaw ang kalahati ng katawan ni Zoren sa gitna namin ni Girbaud para akbayan ako habang tumatawa at tinutuloy ang pagkanta, ngumisi ako at sinabay ang aking ulo sa tugtog.

It feels refreshing to be with them again like this without being awkward, hindi ako naiilang sa kanila dahil ramdam ko namang kapatid lang na babae ang turing nila sa akin sa ilang taon. Kahit na hindi pa ako nagpapakilala nang lubusan sa kanila, samantalang sila ay parang crystal clear na para sa akin dahil kabisado ko na ang bawat galaw ng bituka nila.

"May curfew ka ba ngayon, Raes? Nagpaalam ka ba kay Lola nang maayos?" tanong ni Girbaud habang ginagarahe na ang sasakyan sa isang gilid.

Nakita ko ang dami ng taong nasa paligid, ang iba ay nakakumpol sa ibang sasakyan na kasali yata sa racing mamaya. Karamihan ang mga lalaki, girls are just with their boyfriends or whatsoever. Mabibilang ko sila, pili lang ang sumasali sa racing dito dahil ang iba'y takot na sa kurbada ng mahabang tulay patungo sa kabilang dako, paikot upang makabalik sa pinanggalingan. Madalas ang aksidente kapag dito ginaganap ang racing at ngayon pa lang ay nag-aalala na ako sa maaring mangyari. Wala naman sanang maaksidenteng racer ngayon.

"Oo, nagpaalam ako. Baka sa shop ako matulog." sagot ko habang nakatingin kay Zoren na lumabas na at sinalubong ng ilang kaibigang lalaki.

"All right, good." he nodded as he removed his seatbelt, ganoon na rin ang ginawa ko.

Hail and Theo gave a high five to Zoren, nagtatawanan sila sa pinag-uusapan. Napangisi ako nang makita ang pagsulyap ni Hail sa sasakyan ni Girbaud at nilingon si Zoren, tumango naman si Zoren at tinuro ang sasakyan habang napapailing.

"Hinahanap ka na naman niyan." halakhak ni Girbaud. "I know your type, and he's not gonna happen."

Tumawa ako. "Ewan ko, palagi kong nakikita sa school 'yan, nakaabang. Tinatakasan ko na lang nga. Hindi ko hilig ang lalaki lalo na ang mapaglaro."

I don't like the idea of having a special someone now, or any admirers. Hindi ko rin talaga alam kung bakit sa akin pilit dumidikit si Hail gayong marami naman siyang nakikitang maganda at papasa sa tipo niya, sigurado ring hindi siya mahihirapan maghanap at makakuha agad. Naniniwala akong hindi ako maganda at hindi tipikal na tipo ng mga lalaking kagaya niya. Come to think of it, I'm not rich, not that pretty model like and definitely not easy to cope up with! Anong mayroon at may lumalapit sa aking kagaya ni Hail?

Umiling siya at ngumiwi, binuksan ko na ang pinto para bumaba. Pinasadahan ko ng mga daliri ang nakaladlad na buhok habang ginagala ang tingin sa bridge, I saw Hail's group of friends with Horace and Clarke, naroon din si Paloma at ang kapatid ni Primiel na si Elexius Villareal, huminga ako ng malalim nang inakbayan na ako ni Girbaud at igiya patungo sa grupo ng mga kaibigan nila.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon