RD 25

90.3K 3.6K 301
                                    

Huwag mag-abang ng update kung hindi makapaghintay, tinatamad ako. Salamat po.



Phase 25




I decided to accept Primiel's help even though the protest of my pride was screaming out. Alam kong walang patutunguhan ang pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari at naisip ko rin na tulong iyon, bilang kapalit noon ay nag-aaral akong mabuti para hindi masayang ang lahat at kalaunan kong mabayaran oras na makatapos. Kagaya ng napag-usapan, I enrolled in some college school near the apartment unit he rented for me. Hindi madalas ang pagbalik ni Primiel dahil hindi gaya ng Maynila at Laguna ang distansya ng Bohol at Maynila. We were just talking over call, text and video calls, I'm content with that but I can't help the part of missing him for long months.

It's a Long Distance Relationship, not just the distance of our places and relationship but also the million meter lines of our lives. It's sad to think about but my heart is still up to continue loving him. I'm admitting it, I'm in love with him. Simula pa nang pahalagahan niya ako bilang Kiel, hanggang ngayon na minamahal niya ako kahit na ano pang buhay mayroon ako. Kung tutuusin wala naman akong naibibigay sa kanya, tanging pagmamahal lang.

Sapat na ba iyon? Sapat ba ang pagmamahal lang? Paano kung dadating din sa puntong nagsawa na siya? Gaya rin sa mga magkarelasyon na naghihiwalay sa huli?

I waved my hand and smiled at him, nakapangalumbaba siya sa isang lamesa habang nakatingin sa screen. He looked tired but still handsomely dark in his own way to describe the meaning of rayless sunshine, he's my kind of eclipse in the broad daybreak. I watched him play with the straw of his chuckie using his lips.

"I miss you, Primiel..." I murmured and pouted my lips sadly, pero natutuwa na ako habang pinapanuod siyang sumisimsim sa iniinom.

The smile on his lips showed up slightly that made me smile, kinagat niya ang straw pero agad ding pinakawalan iyon upang magsalita.

"I miss you," he said roughly while looking at me with sleepy eyes. His tone feels always from the throat deep down, I never heard his high voice even when he's angry or annoyed of something.

"You look tired! Magpahinga ka na, bukas na lang ulit tayo mag-usap."

I just really called him to check on, sa totoo lang hindi pa rin buo ang tiwala ko sa kanya pagdating sa totoo niyang estado sa Maynila. Ang hirap kasing balewalain ng mga kilos ni Primiel, I don't know if I'm just paranoid or there's really something wrong going on.

He sighed and licked his lips. "Keep the call, babe. I'll just polish my report for tomorrow."

Huminga ako nang malalim at tumango, ilang segundo niya pa akong tinitigan bago tumuon sa kanyang makapal na libro sa lamesa. He started writing on a white paper, ngumuso ako at sinandal ang sarili sa unang nasa likuran ko. Naalala ko iyong mga stuff toys na binigay niya sa akin na naiwan ko roon sa apartment, wala na akong balita ngayon kung saan napunta ang mga gamit kong naiwan at pati na rin sa taong nag-alaga sa akin, I hope she's fine.

"How's your day?" he asked quietly while writing.

"Normal lang, sumama ako sa bahay nila Stella kanina dahil birthday ng Mama niya at may handaan."

I gained friends from school, kumpara sa Laguna ay mas maayos ang ugali ng mga nakikilala kong kaibigan dito dahil hindi sila mapanghusga at mapangmaliit. Hindi naman mawawala sa tao ang kaugaliang iyon kaya hindi na ako umaasa sa makikipag kaibigan sa akin, I'll just go to the hit of the waves even how harsh it would be because that's how it always works around.

Huminto siya sa pagsusulat at inangatan ako ng tingin, nagpakawala siya ng hininga at dinaanan ng dila ang ibabang labi.

"Stella, who? And where does she live?"

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon