RD 3

113K 4.5K 3.2K
                                    

Phase 3

Hindi ako mapakali sa aking inuupuan, mainit ang batok at pisngi ko pababa sa aking likuran. I feel so fool again. Actually, this isn't the first time we're together in one car and it's been a long time since the first day. I was once his plus one... because of the bet I never wanted to do if it wasn't just for Madelaine, isa akong babaeng utusan ng matalik kong kaibigan noon na kaibigan din nila Primiel.

I thought my best friend would take the race 'cause she offered me to be her plus one, pero huli na nang si Primiel Villareal ang makita kong nasa loob ng sasakyan. I was just illegal fifteen and he was eighteen that time and we don't really know each other's name.

Simula noon ay nakakasalamuha ko na siya paminsan-minsan sa parati naming pinupuntahan ni Madelaine. I treated him as one of my friends, though. Pero hindi kami masyadong nagkakasalubong ng mga salita noon, we never had a talk like friends as how he talks with Madelaine and the others. He was just an asshole who always smirks whenever our eyes would meet. I called it bullying, I named him bully. Tuwing magsasalita pa ako ay parati siyang nagpapaalam na aalis o kaya naman ay biglang tatayo para lang mabastos ang pagkukuwento ko.

That brought a hate to my heart and mind, I hated him, I still hate him. Hindi isang beses lang niya akong nabastos sa ganoong paraan, bata pa lang ako noon at madaldal din kapag kasama si Madelaine kaya nakakainis tuwing binabasag niya lahat ng sasabihin ko.

At ngayon ay narito na naman ako, I don't even know why do we need to race again. I mean, for what? Hindi pa ba sapat iyon o hindi lang talaga niya matanggap na natalo siya?

"Are you hungry?" he asked frigidly without glancing, he's just driving the road we're heading and it's like his passion to focus on the road.

"H-Hindi!" nauutal kong anas sabay matalim na tingin sa kanya. "Bakit ba kasi sinama mo pa ako?"

"Bingi ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko kanina?" arogante niyang tanong.

Suminghap ako at kinuyom ang kamao. Isa pa, masusuntok ko na 'to.

"Ayoko na makipag race sayo, tama na iyong nalampaso ka ng isang beses. Huwag ka na mangarap ng pangalawa pa dahil baka mapahiya ka lang." malamig kong komento.

Though, I don't really know how did he lose the race. Come on, he won't be called King for nothing. Kaya nakakataka na talaga ang una niyang pagkatalo, pero narinig ko namang wala siya sa hulog noong gabing iyon kaya baka iyon ang dahilan kung bakit siya natalo. He was hated by many for losing it, sino ba naman ang hindi mababadtrip na natalo niya ang race? Sa dami ng pumusta at nagtiwala sa kanya, wala siyang pakealam doon.

Naglaro ang ngisi sa labi niya na tinabunan ng pagnguso, matalim ang mga matang sumulyap siya sa akin pero lamang ang pagkamangha. My chest tightened up, his eyes are not really meant for staring game that made me look on his lips absentmindedly, it's red and always wet. Mas lalo akong natigagal kaya lumihis ako ng tingin sa nerbyos, parang kasalanan na ang tumingin sa kanya.

Hell!

"Uhuh, let's bet." his eyes turned to the road again as he accelerated so fast.

My eyes broadened in surprise, he's overtaking even on the thin space between the trucks and cars we're going through like he predict every narrow spaces of the road where he can over take freely without caring. Napapikit ako ng mariin sa kaba, kahit na sanay ako sa mabilis na pagmamaneho ay hindi ako sanay na ginagawa iyon sa ganitong lugar na maaring magkaaksidente. Paano kung may mag over take na hindi inaasahan? E, 'di bangga!

"What the heck? This isn't a race field for heaven's! Bagalan mo nga at baka makaaksidente ka pa! Hindi mo alam kung may mga inosenteng batang madadamay pag nakabangga ka! Bobo!" sigaw ko sa kanya nang hindi napigilan ang pagsabog ng ulo ko sa iritasyon.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon