RD 18

93K 3.6K 1.9K
                                    

Double.



Phase 18



Our relationship went smoothly sweet and slow burn after the day I gave him my answer, we became one in making decisions and of course most importantly is the respect for each other even not being together in one place. Hindi ko masasabing Long Distance Relationship dahil umuuwi siya tuwing Sabado hanggang Linggo, naging sapat iyon sa akin at mas sang ayon ako na hindi kami parating magkasama dahil ayaw kong dumating sa punto na magkakasawaan kaming dalawa. Ang sobrang tamis kasi nakaaumay, ayon kay Lola.

Pinakilala ko na rin siya kay Lola bilang nobyo ko, hindi ko masabi kung ano ang kumento ni Lola tungkol sa kanya pero maayos naman ang turing niya kay Primiel tuwing naaabutan dito sa apartment, dumalas din si Lola sa pagpunta tuwing weekends kaya hindi malabo na nakikita niya si Primiel dito. Primiel is all casual, ganoon naman talaga ang ugali niya pero kapag tinatanong o nakakausap naman ay may respeto.

"Pagod na pagod na akong mag-aral!" si Iris, kaklase ko ulit siya nitong pangatlong taon namin.

Mainam nga na hindi namin naging kaklase iyong dati naming officers noong second year kami, misan kasi mga pabida iyon at palautos.

Ngumisi ako sa kanya.

"Ayos lang 'yan, may pangarap ka sa buhay kaya kakayanin 'yan!" I cheered her up.

Siya kasi ang nanganganib sa sem na ito, mayroon pang iba sa klase namin pero mga lalaki na kaya napahiya si Iris kanina nang i-anounce ng propesor ang mga nanganganib bumagsak at isa siya roon. Hindi kasi palaaral si Iris, miski noon pa man pero suwerte na pumapasa siya sa mga exam dahil may talino rin naman, kinulang lang talaga siya sa sipag. Madalas pang nasasama sa mga kaibigan niya kaya hindi nakakapasok ng tama sa oras.

"Oo, pero pangarap lang 'to ng Mama ko para sa akin. Hindi ko pangarap para sa sarili." bumuntong hininga siya.

Kunot noo ko siyang nilingon. "Ano bang gusto mong kurso?"

"Wala, gusto kong magtrabaho lang sa kumpanya ng Tita ko bilang stylist sa mga modelo. Ayaw ko naman talagang mag-aral. Gastos lang, e. Dapat kumikita na ako ng pera at nakakapag ipon kung magtatrabaho ako sa Tita ko."

"Pero maganda pa rin na may natapos ka, huling taon na rin naman next year. Kayanin mo na 'to."

Tumawa siya at inakbayan ko. "E, paano ako makakapasa ngayong pabagsak na? Sumasabit lang ako, pero hindi ko na talaga kayang magsipag pa sa bagay na hindi ko naman talaga gusto."

I smiled.

"Nasabi ko rin 'yan, pero naiisip ko pa rin na kailangan talaga sa buhay natin ang pag-aaral para maging maayos ang pamumuhay."

Ngumiwi siya. "Ano pa nga ba? Palagi naman! Wala rin akong magagawa, e. Mag-aaral lang talaga."

I chuckled and nodded. Boyish si Iris at brusko kumilos pero mayroon siyang boyfriend na mahal niya talaga, binitawan niya ang balikat ko.

"O, sige, mauuna na ako. Andiyan na si Justin." sabay nguso niya sa boyfriend niya pagkalabas ng gate, kumaway at ngumiti rin iyon sa akin.

Iris just waved her hand at me while running towards Justin, agad siyang dumamba roon at nagkiss sila sa lips. Nagngiwian ang mga malapit na nakakakita sa kanila, may ilan pang bulungan at biglang nag-iilingan na tila disgusto. Niyakap ko ang libro sa mga braso ko at niyuko na lamang ang ulo habang naglalakad, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko para tingnan kung nagtext si Primiel.

Zoren: Hoy, uuwi ba boyfriend mo ngayon?

Kumunot ang noo ko sa text ni Zoren kaya sinagot ko agad.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon