RD 35

93.4K 3.2K 1.1K
                                    

Phase 35

Hindi ako mapakali sa aking upuan kahit na kinakausap ako ni Kaito ay nasa ibang dimensyon ang utak ko. Iniiwas ko ang sariling mapunta ang paningin sa gawing iyon upang maiwasan din ang kapaitang pinaparamdam ng kanilang presensya sa iisang lugar, it's Suelly Vargaz he's with. Kaya mas lalong masakit sa pakiramdam iyon, ang maisip na tatlong taon na silang dalawang magkarelasyon ay parang punyal na tumatarak sa aking dibdib.

I'm so close to breaking down now that I had to stop bugging my own mind into the gloominess, tuwing nahihirapan ako sa isang bagay ay mas naging mahina ako sa pagdama ng sakit. Sa nagdaang taon, wala akong maalala na hindi ako naluha sa tuwing naiisip si Primiel at ang buhay niya. I even wished that we were on the same page, in different stanza but can't be flipped so we'll have a chance to meet on the same page.

"Ang tagal ni Jaz, Kaito." lumapit si Regine sa amin suot ang kanyang long gown at preparadong nakakolorete sa mukha ngayong araw.

Kumunot ang noo ni Kaito at mula sa akin ay binaling ang tingin sa kaibigang lumapit. Doon ako bumalik sa reyalidad na nagaganap ngayon sa simbahan. Pag-aalala ang nakita ko sa mga taong nakapaligid, si Regine at Frida naman ay inabala ang sarili sa pagtawag sa kanilang mga cellphone.

"Ano bang sinabi ng organizers? Dapat tinatawagan na nila." ani Kaito sabay tingin sa kanyang wristwatch. Tumingin siya kay JB. "Can you check the place if traffic?"

Tumango iyon at mabilis tumungo sa gawi ng kanilang iba pang kaibigan. Nakita ko ring hindi na mapakali ang groom sa harapan, pinapakalma siya ng pamilya roon. Kumunot ang noo ko at tiningnan din ang orasan sa simbahan, halos mag-iisang oras na ay hindi pa nakakarating si Jazarah? Puwede siyang ma-late kung sakaling traffic pero dahil sa malapit na hotel lang naman siya manggagaling ay makakarating pa rin siya ng ilang minuto lamang.

Kaito make some calls, panay ang iling niya habang kunot ang mga kilay tuwing walang natatanggap na sagot mula sa cellphone. Huminga ako nang malalim at sinulyapan ang groom sa harapan, iritado na at namumula ang mga mata dahil sa batid kong binalita sa kanya ng ilang kalalapit lang.

Hinawakan ni Kaito ang kamay ko kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanyang paggiya sa akin. Narinig ko ang kanyang mahinang pagsasalita sa cellphone, he looks so irritated now.

"What the, you're ruining your own wedding." he hissed lowly with frustration while we're walking out of the church.

Ang mga dumalo ay nagkakagulo na at nag-uusap tungkol sa kasal na mukhang alanganin. Wala nang nakapansin sa aming paglabas ng simbahan dahil may kanya-kanya na silang pinagkakaguluhan, mabilis ang lakad ni Kaito kaya ganoon din ang ginawa ko. Iritado siya hanggang sa makasakay na ng sasakyan, alam kong si Jazarah ang kausap niya base sa kanyang pinagsasabi roon.

"Pupuntahan ka namin." mariin niyang sinabi habang inaalis sa pagkakaparke ang sasakyan. "What the hell are you thinking, Jaz? Is this your fucking revenge? If it is, then you're fucked up! No! Stay there!" mabilis niyang sinabi sa galit na tono.

I sighed massively as I look around the area, hindi ko nga alam kung matutuwa ako dahil hindi na ako magtatagal pa sa lugar kung nasaan si Primiel o malulungkot dahil sa linaw nang hindi matutuloy na kasal nila Jazarah. Napansin ko ang paglingon ni Kaito matapos ang kanilang tawag, his brows were furrowed like he got a problem.

"Will it be fine to leave you in the condo for awhile?" he asked gently.

Nangunot ang noo ko saglit pero naintindihan ko naman agad ang pahiwatig niya, marahil ayaw ni Jazarah na may kasama pa siyang iba sa pagpunta sa kanya. I smiled and nodded.

"It's fine, Kaito."

He sighed, bahagya niyang kinamot ang batok at muling sumulyap sa akin. "I'm sorry, I'll just need a lone time to talk to Jazarah. Babalik din ako agad."

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon