RD 12

86K 2.9K 749
                                    

Phase 12

"Wala namang idudulot dito 'yang anak mo sa labas, Fidel! Bakit hindi mo na lang ibalik sa Nanay niya, sila ang dapat magkasama!"

"Stop it, Jodi. She's just a kid and her mother left her outside our house! Kung pababayaan ko 'yan, anong sasabihin ng mga tao rito?" Papa said angrily.

"Ikaw ang gumawa ng kawalanghiyaan, Fidel! Itira mo sa ibang bahay 'yan at paalagaan kung kanino tutal sarili mong anak, pero hindi ko matatanggap dito 'yan. You are ruining our daughter's vision about family! She lived with a fine complete family and now you had a daughter with a prostitute! Anong sasabihin mo sa anak natin? Anong ipapaliwanag mo kung ganoon kaliwanag na nagtaksil ka at natukso ng pokpok na menor!?"

Papa howled in frustration.

"Shut up, Jodi. We are not talking about this now! Nasa labas lang ang bata ng opisinang ito, naiisip mo ba? Paano kung si Lenore pa ang makarinig sayo? You are a mother, too!"

"Wala akong pakealam! You did wrong and you are also not a good father! Huwag kang magmamalinis sa akin, nariyan ang anak mo sa isang pokpok! Hindi ka na nahiya, pati menor ay pinatulan at binuntis mo? Ngayon magdadagdag ka pa ng palamunin at kahihiyan!"

My heart clenched.

Huminga ako ng malalim at sinandal ang ulo sa pader, marahan kong inuntog-untog ang noo ko habang nakatingin lamang sa aking mga paa. Pinigilan ko ang emosyong kumalat sa akin dahil hindi magiging maganda kung iiyak ako, gaya ng laging sinasabi ni Mama ay hindi naman gagana ang pag-iyak ko sa kanya. Siguradong ganoon din dito sa pamilya ng ama ko.

Tears is just a water who wanna go out of our eyes to lessen the fluid inside our body. Simple. It's not about the pain and sadness... for them.

Mama left me outside this house last night, pansamantala siyang pupunta ng Japan para sumama sa customer niyang Hapones pero sino nga bang nakakaalam kung babalikan niya pa ako o kukunin dito? Wala naman siyang pinangako, she just bid her goodbye like she left a kitten around the subdivision without even a tag. Naaawa ako sa sarili ko, I'm just eleven years old who's always admiring a perfect set of family around this place and dreamed of having it but I can't get mine because ever since I got the view of my reality I have no complete family already. Miski ang ina ko nga ay hindi pa kumpletong para sa akin, ang ama ko naman ay naipakilala sa akin pero hindi rin ako pinanindigan. Hindi ko naman makukuwestiyon dahil may totoo siyang pamilya, they are rich living in a mansion. They are married with one and only daughter, Lenore.

Lucky girl, isn't she? Mayaman na nga sila ay may ama at ina pa siyang minamahal siya ng lubos samantalang ako ay may nakilala lang na ama at ina...

My days in their shelter came out so hard. Palagu kasi akong pinag-aawayan ng mag-asawa kahit sa hapagkainan kaya nahihiya akong makisalamuha. Hindi rin ako nakakakain ng maayos dahil nawawalan ako ng gana tuwing magpaparinig si Jodi tungkol sa pagiging pabigat ko. Isang tanghali ay naisipan kong lumabas ng maid's quarters upang makapaglakad sa labas ng mansyon para malibang. I miss playing, sabi ni Lenore ay may playground daw sa kabilang street kaya roon ko balak pumunta. Wala kasi si Lenore, sumama sa family trip ng paborito niyang Tita kaya wala akong kalaro sa ilang araw.

Narinig ko ang ilang tawanan mula sa tanggapan, marahan akong sumilip doon at nagtago sa isang istante. May mga bisita pala sila ngayon, mga kaanak siguro ni Papa dahil kamukha niya iyong isang nakita kong lalaki na kausap.

"How was the trip, Simon?" tanong ni Jodi habang nakangiti, bumeso siya sa isang kaedarang babae.

"Fine, that was good choice of place to unwind." ani Simon. "Lenore surely enjoyed."

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon