RD 38

107K 3.7K 1.9K
                                    

Phase 38




Hindi ko alam kung paano kami magkikita ulit, kung hindi man puwede ay maiintindihan ko. He was playing with my fingers while looking at my face closely. His face is just inches away from me, the tip of his nose was almost touching my left cheek. Ngumuso ako, takot na lumingon.

"P-Paano tayo magkikita ulit?" mahina kong tanong sa mahinhing boses.

He slowly brushed his nose on my cheek and chuckled frigidly. "You're near, I can make my way now."

Nagyuko ako ng ulo kaya nalipat ang ilong niya sa aking sentido, he gently pulled my waist closer to him and now he's claiming my tiny body. Primiel got so massive and wide, his built is screaming cruelly like a stone wall.

"Natatakot ako."

"Me, too." he whispered on my cheek raspily. "I'm scared that I might forget what's after me while having you around here."

My living Man of Steel has weakness, too. He gets scared also... proving that stone can't stay unbreakable but still standing to face even the strongest things can get on his way. For years, I know he was just facing it normally using people around but behind him, it's a suffering itself.

Huminga ako nang malalim at pumikit, napabuntong hininga ako. "We should be careful, Primo. Paano kung malaman ni Suelly?"

Hindi siya nagsalita, parang hindi niya nga narinig dahil abala siya sa pagbibigay ng malambing at magaang halik sa aking pisngi at sentido. Napasimangot ako, kanina pa siya ganoon. Hindi nakikinig at parang nasa ibang dimensyon ng mundo na ayaw isipin ang reyalidad sa kasalukuyan.

Narinig ko ang hagikgikan ng mga bata at tawa ni Eldora Villareal, parang papalapit at papasok ng area kaya agad akong napakalas kay Primiel. Umusog ako sa kabilang dulo ng couch para lang malayuan siya, para naman siyang nagising sa katinuan dahil sa biglaang kilos ko kaya kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na medyo distansya na sa kanya. My heart is beating so fast in nervous.

"Kumain ba sila bunso kanina?" doon ko na narinig ang pagtatanong ni Eldora.

Kapapasok lang ng living area kasama ang mga apo na naghaharutan, agad silang nagtakbuhan paikot sa katapat na sofa habang naghahagikgikan. Si Troi naman ay naupo sa single couch sa gilid, may hawak na chuckie at isang lollipop na nilapag niya sa kanyang hita.

"Opo, Ma'am. Kumain ng lollipop at uminom noong chuckie, iyon lang. Abala kasi siya sa panonood sa nobya niya habang kumakain kanina. Kulang na lang isilid, e." ani Ate Gina. "Ay, sinilid pala talaga!"

Namilog ang mga mata ko agad sa sinabi noon, suminghap ako sa kaba at tumingin kay Primiel. Ngumuso siya dahil sa reaksyon ko, his eyes were almost smiling. Nanatili siya sa puwestong pinag-iwanan ko, nakasampa ang hitang nakabaluktot sa sofa para mas maharap ang gawi ko.

"Ha!? Ano kamo, Gina?" Eldora exclaimed shockingly.

Kinurot ko ang hita ni Primiel at inungusan siya para itanggi niya ang sinabi ni Manang Gina.

"Oo, Ma'am. Kagulat-gulat talaga, si Ser Primo kasi hindi naman nagdala ng babae tapos ngayon agad sinilid iyong mahinghing babae, e!"

Nanlalaki talaga ang mga mata ko, gusto kong sumabog sa hiya at kumaripas ng takbo sa sobrang embarrassment. Muli kong pinagkukurot si Primiel sa hita niya, halos mabunot ko ang mga buhok niya roon. He just chuckled and caught my hand, fuck him!

"Primiel!" impit kong singhal sa kanya.

Ang walanghiya umurong pa para lapitan ako at wala man lang balak agapan ang pagdaldal ni Ate Gina! Wala namang nangyari sa amin doon, we just talked! Damn it! Nakakahiya sa Mama niya at ayaw kong pumangit ang tingin niya sa akin bigla! Kung ganyan ang naririnig niya, hindi na ako aasa na magugustuhan niya ako para sa anak!

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon