RD 21

82.4K 3.1K 866
                                    

Stressed about my notes, can somebody tell me how old Primiel was in Flowered Seascape when he met Troilus? Or Elos' age that time! Lol. Galing ko talaga sa katangahan, e. Tamad mag note tapos ulyanin pa.




Phase 21

Primiel cooked our breakfast the next morning, we stayed whole day at my apartment. Hindi ko alam kung paano ako makakapagpaalam sa kanya na uuwi akong Bohol, siguradong marami siyang magiging tanong sa akin. Knowing that I'm still studying in Brentdale, he'd ask why's and how's. Puwede ko naman sigurong sabihin na bibisita lang ako kay Mama?

Napatingin ako sa cellphone ni Primiel na umilaw sa tabi ng unan niya, mahimbing ang tulog niya habang ako ay nakahilig sa kanyang dibdib. His right arm was wrapped around my waist, kumunot ang noo ko at tiningnan ang screen ng cellphone niya. Maingat ko iyong kinuha para basahin ang text na nakikita sa screen.

Unknown Number:

Nice to really see you again after long years, I didn't expect we'd be in the same school. Thanks for the lunch last time, by the way. I miss you, hope we can catch up tomorrow. —Suelly.

Mas lalong nangunot ang noo ko, umalis ako sa pagkakahilig sa kanya at naupo para sumandal sa headboard. I swiped to unlock his phone, walang passcode iyon at sumalubong ang mukha kong tulog bilang home screen wallpaper niya. My heart contorted, hindi ko pinansin iyon at tumungo agad sa conversation nila noong nagtext.

Suelly: Prim, can we have lunch together? I don't have any friends yet.

Primo: Sure.

Suelly: Really? I'll wait you. Thank you.

Hindi na sumagot si Primo at iyong bagong text ni Suelly na ang nasa hulihan, my heart wrenched rigidly at the thought of he's dating another woman in the same school. Binasa ko pa ang ilang text sa inbox niya.

Xythen Saavedra: It was an accident but knowing that you're a racer, they'll surely use it against you.

Primo: Really? So what could be the deal here?

Xythen: Too bad, I'm still in the making. Can't be your lawyer yet. The deal is uncovered, I don't know. Just wait for it.

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa nang muling nag pop up ang bagong text, it was Suelly again that made my hands tremble in annoyance and pain.

Suelly: Changing my class schedules, same with yours.

My heart tightened more, mabilis kong nilock ulit ang cellphone dahil dumagdag lamang iyon sa sakit ng ulo ko. Binalik ko sa tabi ng unan niya ang cellphone, huminga ako ng malalim at nilingon siya. He's still sleeping peacefully, I don't want to overthink about the texts of that girl. Pero hindi imposibleng magkikita ulit silang dalawa dahil iisang school lang sila at nasa iisang larangan din kung ganoon. Nasasaktan akong makabasa ng ganoong klaseng text dahil wala akong kaalam-alam sa bawat nangyayari roon. Ni hindi ko alam na may nakakausap siyang babae, he's not informing things like that. Kaya hindi ko rin naiisip at ngayong nakita ko ay nagdadalawang isip na ako tungkol sa mga babaeng nakakasalamuha niya.

Maybe, I just expected too much that he would never talk with any girl around him but it's really impossible because they've met already. Naging iwas ako sa paglipas ng oras pero nanatili akong walang alam tungkol sa texts ng babae, I don't want to add another problem inside my head. It feels too much now. Magtitiwala na lang ako sa mga mangyayari, kung matutukso man siya ay wala na akong magagawa roon. I know there's a lot more to come since Primiel isn't really hard to like, he's a walking ideal man of every girls around. Maraming nagkakagusto pero nagtiwala ako na wala siyang ibang pinagbibigyan ng atensyon.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon