Page 8

80 3 0
                                    


Rose POV

Mabilis akong napabangon at hinabol ang hininga ko . Napanaginipan ko kasing may nakatutok na baril sa akin at may lalaking sinangga ang sarili niya para mailigtas ako pero sa kasamaang palad nabaril naman ako sa likod pero hindi ko na alam ang nangyari. Kung isa ba sa amin ang namatay o natuluyan ako ? . Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone na binigay sakin ni Hendrix . 5:00 am basa ko sa oras . Shit 8:00 pa ang pasok namin pero 5:00 palang gising na ako.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil hindi na ako makatulog. Kung sino man ang bumaril sakin sa panaginip ko magpakilala dahil ako mismo ang babaril sayo kung sino ka man.

Nag-ayos na lang ako , naligo na at pumunta sa kusina since maaga pa naman ako na lang nagluto ng umagahan .

Naabutan ako ng mga maids pero tumanggi ako sa offer nilang tumulong. Biglang pumasok sa kusina si Hendrix pero hindi ko siya pinansin. Bawat galaw ako ay para bang lagi siyang nakatitig . Aish Rose nagpifeeling ka na naman kaya ka nasasaktan eh ng matapos na ako sa pagluluto hinayaan ko na ang mga maids ang maghanda.

"Goodmorning" bati ni Dean pero tumango lang ako at abala sa cellphone ko. Nagiinstall kasi ako ng FB matapos maginstall sumakto namang dating ni Mama at asawa ni Dean.

Nagtatakang tingin ang binigay ko kay Mama.

"Nak lilipat na tayo ng bahay " napataas ang kilay ko sa sinabi ni Mama. Bakit pinalalayas na ba kami ? .

"San po ? " tanong ko kay Mama. Ngumiti lang siya at pinakita sakin ang isang bond paper na naglalaman ng isang printed na bahay. All white siya at modern ang design although simple siya pero makikita mo parin ang pagkaelegante.

"Pinababalik na tayo ng Lolo mo at itong bahay binigay niya sayo toh " mapait akong napangiti si Lolo ? Anong nangyari at bigla siyang bumait ? Diba siya itong nagpalayas samin nina Mama nung nangangailangan kami para maoperahan si Kuya wala naman siyang ginawa sinaraduhan niya lang kami ng pinto at sinabing wala parin naipagmamalaki si Mama bakit may maipapagmalaki na ba siya wala naman puro siya pera , pera siguro nga kung bibigyan siya ng maraming pera pero mamatay ang pamilya niya siguro mas pipiliin niya pang hayaan kaming mamatay basta may pera siya.

"Anak " lapit sakin ni Mama pero tumayo na ako at umalis na sa kusina at nauna ng pumasok.

Bakit hindi ako aalis nakakawala naman ng gana kung paguusapan mo ang matandang mukhang perang yun tsk.

Roset (Mama ni Rose) POV

"Mare hayaan mo na alam mo namang iniinda niya parin yung naging pasakit na binigay sa inyo ni Tito " napatingin ako kay Kumare siguro tama siya . Baka nasaktan lang ang anak ko . Masiyado pa kasi siyang bata ng nangyari yoon .

"Hendrix san ka papunta ? " rinig kong tawag ni Kumare sa anak niya.

Bata palang magkakilala na sila ni Rose mabait si Rose noon palatawa at medyo makulit na bata noon hindi siya pinalalabas ng Lolo niya para maglaro puro siya aral dahil sabi ng Lolo niya siya daw ang magmamana ng kumpanya at ari-arian niya pero pag any batang si Hendrix ang usapan hindi makatanggi si Dad na hayaang maglaro si Rose kaya laging magkasama ang dalwang bata siguro para silang amo at isang aso dahil hindi mo talaga sila mapaghihiwalay pero nagbago ang lahat ng maaksidente si Rose nagbago siyang bata parang pasan niya lagi ang mundo lalo na nung malaman ni Dad na peke ang kasal namin ni Roman sa subrang galit niya pinalayas niya kami at sa tingin ko hindi natanggap yun ng anak ko. Nagbago lahat naging sakitin ang kuya niya naging basagulero at magiinom si Roman at si Rose si Rose ang may pinakamalaking pagbabago naging galit na siya sa mundo at naging mapagpanggap. Nagpapanggap siyang mabait sa amin pero lahat ng galit niya inilalabas niya sa ibang tao gusto siyang ibalik sa dating Rose. Ang Rose na bulak-lak ng buhay ko ang Rose na dating Red noon na Black na ngayun gusto ko siyang ibalik. Gustong-gusto ko.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now