Page 32

67 2 0
                                    

1st Date

Rose POV

Napa roll-eyes nalang ako sa katangahan ni Francine I mean Ate Francine. Nagpri-prito kasi ito pero iwas naman ng iwas sa mantikang tumatalsik , lakas na lakas pa ng heat ng stove . Tsk.

"Ako na diyan " sabi ko at lumapit sa kanya , lumapit ako sa stove at pinahinaan ito , binaliktad ko rin yung niluluto niyang karne pagkabaliktad ko nagtalsikan sakin ang mantika pero sanay na ako , dati noong tinuturuan ako ni Mama paiyak na ako dahil sa sakit ng talsik kaso nasanay na ako ngayun . Napailing ako dahil sunog na yung karne.

Kumuha ako ng panibagong kawali at nilagyan iyon ng cooking oil bago kumuha ng bacon sa ref at hotdog .

"Pano ka natuto magluto sis " lapit niya sakin.

"Noong pinalayas kami ni Lolo sa mansion at pinauwi dito sa Pilipinas tinuruan ako ni Mama ng gawaing bahay " sagot ko sa tanong niya.

"Talaga ? Gusto ko rin magpaturo " amaze niyang sabi.

"Edi tawagan mo si Mama tapos paturo ka dito sa condo " sabi ko kaya niyakap niya ako at nagpasalamat. Para dun lang ? Eh hindi pa nga siya natuturuan =_=.

"Ano bang itsura ni Lolo ? " biglang tanong niya na nakapagpatigil sakin.

"He's a devil " mabilis kong sagot at inilagay na sa plato ang mga niluto ko , bago tinignan ang rice cooker.

"Creepy " sabi niya sabay yakap sa sarili.

Dapat lang na matakot siya , dahil ang matandang yun walang awa .

Kumain na kami at puro siya dal-dal , kaya kahit naiinis ako sinasagot ko na lang. Pagkatapos naming kumain tinulungan niya ako maghugas at madali namang siyang matuto though ang dami niyang comment tulad ng

"Ang dulas pala ng ganito "

"Ang hirap naman kus-kusin nito "

"Ang galing may bubbles hahahaha ang saya maghugas ng plato "

Naisip ko nga kung bata ba siya kanina .

Sabay na kaming pumasok at madaming nagulat. Siyempre yung magka-away dati , magkasabay ng pumasok.

"Rose bakit mo kasama yan ? " turo ni Danica kay Francine at inismidan pa ito. Taray ng bff ko

"Kapatid ko yan uyy " sabi ko at hinampas yung kamay niyang nakaduro.

"ANO !? KAPATID MO ?? " sigaw niya kaya nakuha niya ang atensiyon ng mga bubuyog sa school ayan kaya nagbulungan na sila.

"Oo nga , kapatid ko siya sa ina " sagot ko at tinignan niya kaming mabuti , btw hindi na nerd si Danica wala na nga siyang salmin at sinu-sunod niya na ang sinabi ni Mama kaya lumilitaw na ang ganda niya.

"Bakit hindi ko napansin na tulad kayo ng mata at kutis , magkapatid nga kayo " sabi niya kaya inakbayan ako ni Francine este Ate Francine (hindi ako sanay sorna).

"Ganda namin noh ? " tanong ni Ate pero tinaasan lang siya ng kilay ni Danica at inismidan .

"Mahangin " bulong nito na ikinatawa ko.

"Tara na baka malate tayo " sabi ko at sabay-sabay kaming pumasok sa school. Nakasalubong namin ang mga basketball player at nabitawan nila ang hawak na bola dahil sa gulat . Aba ikaw kayang makita na nakaakbay samin yung kaaway namin dati at pare-pareho pa kaming nagtatawanan , ito kasing si Danica lahat ng hinanakit niya kay Francine sinasabi niya tapos sasagutin ni Francine , mauuwi kami sa tawanan.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now