Page 19

61 3 0
                                    


Nagising ako dahil sa ingay sa baba na parang may nagbabanggitan sa may kusina. Napahilamos nalang ako sa mukha ko at pumunta sa banyo para magsipilyo at maghilamos , pinuyod ko rin ang magulo kong buhok bago bumaba . Malapit na ako sa kusina ng may gumulong na kamatis sa paanan ko. Sinilip ko sila sa kusina nakita ko si Hendrix na bored na bored na nakatingin sa naglalarong apat si Alexa may hawak na kamatis , si Danica may hawak na petchay , si Callix may hawak na mansanas at si Kuya Jerald may hawak na ketchup.

"What's happening here guys ? " takang tanong ko.

"Sa wakas dumating narin ang chef natin " sabi ni Alexa bago ako hinila.

"Chef maari niyo po ba kamimg ipagluto ? " nakangiting tanong ni Danica.

"Linisin niyo muna ang kusina kung ayaw niyong tadyakan ko kayo isa-isa " sabi ko na nagpapout sa apat . "Oh sige bahala kayo edi pare-pareho tayong gutom " sabi ko at umalis na sa kusina.

"Hala! Linisin niyo daw " rinig kong sabi ni Danica.

"Kayo na maglinis niyan " rinig ko naman sabi ni Callix.

"Hey Freak help us " rinig kong sigaw ni Alexa.

"Callixto Ferrero " saway ni Kuya Jerald.

Srsly ang ganda ng pangalan ni Callix naging Callixto hahahahaha epic.

Pumunta na lang ako sa room at naligo na bago nagbihis. Pagkababa ko nakita ko si Callix na nagpupunas ng mga tables , ding-ding at kung ano-ano pa, Si kuya Jerald na naghuhugas ng pinggan at nagbabanlaw ng pangpunas ni Callix , Si Danica na nagmomop at si Alexa na inaayos lahat ng kalat. Naks marunong naman pala silang lahat hindi kanina riot kung riot sa kalat hindi yung may ketchup sa mga ding-ding , may pisak na kamatis , may kalat na hating mansanas , mga nagkalat na dahon ng petchay . Mas malala pa kanina toh sa palengke eh =_=.

Nang malinis nila lahat nagunahan sila makahiga sa sofa sa subrang pagod kaya ayun biglang tumaob yung sofa dala-dala silang lahat. Ayan kasi mga parang bata. Napailing na lang ako at nakita si Hendrix na nakatulog na sa Dining Table napangiti ako.  Ang cute niya kasi matulog .

Nag-isip ako ng masarap na lutuin at dahil pagod sila sinigang na baboy na lang ang lulutuin ko .

Nakatingin ako sa sinigang na baboy na nakulo ng may naramdaman akong yumakap sakin mula sa likod at pinatong ang ulo niya sa balikat ko kaya lumingon ako at nakita ko si Hendrix na nakatingin sa niluluto ko.

"Porn " sabi ni Callix kaya nagpuntahan sina Danica dito sa kusina.

"Tangina Callixto akala ko kung ano " sabi ni Kuya Jerald kaya ayun naghabulan na naman sila ng walang katapusan husko akala ko si Franco lang ang isip bata mas malala pala ang mga toh.

"You know what I just wonder that , if your my wife will be having a perfect family " bulong sakin ni Hendrix kaya napakagat ako sa labi ko at tumungo oh my ghad nagiinit ang pisngi ko . Wife daw ihh .

"Ehem ehem may tao pa po dito " biglang singit ni Danica .

"Hili ka ? " tanong ko sa kanya kaya narinig ko ang tawa ni Hendrix kaya napapout si Danica.

"Masiyado kayong malandi " sabi niya sabay walk out .

"Kuya Jerald landiin mo daw si Danica ! " sabi ko kaya nakarinig ako ng malakas na halak-hak .

"Bwisit ka Rose !" Rinig kong sigaw ni Danica kaya pati sina Alexa at Callix natawa narin. Nilagay ko na sa lalagyan yung sinigang at hinanda sa table.

"Kainan na ! " sigaw ko ulit kaya nagunahan sila sa kusina .

"Ano ba padaanin niyo ko " sabi ni Callix pero nakita ko si Alexa na tinulak si Callix ayun nakapasok silang lahat.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now