Page 15

71 2 0
                                    


Antok kong kinuha ang cellphone ko ng bigla itong tumunog sino bang hudas na tatawag ng 6:00 am.

"Hello"

"Bes si Jed toh may sinabi sakin si Dara "

"H-ha !? A-ano yun ? "

"Kayo na daw ni Hendrix "

"Y-yun lang ba ? "

"Oo bakit ? May sinabi paba siyang iba ? "

"Wala hahahaha tiyaka about samin ni Hendrix ano yun uhhmmm "

"Aminin mo na bes kayo na noh ? Nakakatampo ka naman "

"H-hindi kami hahahaha parang uhhmmm "

"Nakakatampo ka talaga ayaw mo pa saking sabihin "

"Kasi Jed ano ? "

"Ano ako ang gusto mo ? Hahahahaha "

"Hindi yun "

"Aww ang paasa mo "

"H-hah !? "

"Wala ano ba yung sasabihin mo "

"Wala hehehehe "

"Ano ngang sasabihin mo ? "

"Sasabihin ko lang sana na panira ka ng tulog "

"Ayy hahahaha sorry sige matulog kana ulit "

"Sige "

"Sleep well princess "

*toot* *toot* *toot*

Napa face-palm na lang ako . Hindi ko kayang itanong sa kanya , gusto kong malaman ang totoo kaso ang tanong kaya ko bang harapin yung sagot.

Hindi ko alam

Nahihirapan nako ayaw kong masaktan ko ang bestfriend ko dati na siyang nasaktan noong 18th birthday ko nakwento niya ang first love niya raw.

Flashback

Nakatingin ako sa mga bituin sa langit ng may umupo sa tabi ko.

"Hindi ka pa matutulog ? " tanong niya kaya umiling ako.

"Salamat nga pala kanina ahh " pagpapasalamat ko ulit , oo kanina pa ako nagpapasalamat.

"Wala yun hahahaha " sabi niya kaya napangiti na lang ako.

"Matanong ko nga may first love kana ba ? " lingon ko sa kanya.

"Bakit crush mo ko ? " hinampas ko siya sa braso ang hangin ng galungong na toh.

"Sagutin mo na lang kasi " sabi ko kaya natawa siya.

"Oo " sabi niya.

"Oh ! Nasan na ? Baka hinahanap ka nun ? " sabi ko.

"First love ko lang pero hindi ko naging girlfriend pero umaasa parin ako " malungkot na lingon niya sakin.

"Bakit naman ? " curious na tanong ko.

"Hindi niya kasi napapansin " sabi niya at malungkot na tumingin sakin . "Nakilala ko siya noon sa school at first hindi ako naniwala sa mga kateam mates ko na inlove ako sa kanya pero lalong tumatagal lalo akong nahuhulog gusto kong sabihin sa kanya kaso natatakot ako baka kasi may masira akong mahalagang bagay masakit aaminin ko kaso mahal ko siya eh " sabi niya kaya pati ako nakaramdam ng lungkot para sa kanya .

Shooting Star (Guillera Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon