Epilogue

97 3 0
                                    


Hendrix POV

Nagche-check ako ng mga documents tungkol sa kumpanya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang pamilya ko.

"Daddy" salubong sakin ni Daisy bago ako niyakap. Nakita ko si Rodrix na naupo sa sofa dito sa office ko habang abala sa cellphone at may nakasabit na headphone sa leeg. Kinalong ko si Daisy at pinaupo sa lap ko.

"Malaki na ang baby girl ko may crush na ata " biro ko sa bata na agad na namula.

"Hendrix pagsabihan mo yang mga anak mo naku ! Masisiraan ako ng ulo sa mga yan " asar na sabi ni Rose habang hawak si Ren, ang 1 year old baby namin.

Sabay kaming natawa ni Daisy at ngumiti naman si Rodrix.

"Aba! Pinagtutulungan niyo ba akong mag-aama . Husmiyo maluluka ako sa inyo " hindi na namin napigilan mapahalakhak kay Rose kahit si Rodrix na tahimik ay natawa narin.

"Baby oh! Pinagtutulungan ako " kausap niya sa bata pero nagulat kami ng mahina itong tumawa. "Pati ba naman ikaw " reklamo ni Rose kaya apat kaming tumawa.

Pati pala bata may kalokohan HAHAHAHAHAHAHA.

I always Imagine this . Yung uuwi kang pagod at sasalubungin ka ng maganda mong asawa at mga anak mo. Dadalawin ka sa trabaho mo . Magbabakasyon kayo ng sama-sama at maging isang kumpletong pamilya.

"Dad may family day nga po pala kami bukas sa school sana po maka attend kayo " sabi ni Daisy.

"Okay I will cancel my schedule tommorow " I said kaya niyakap ako ni Daisy. She's really adorable , I can see the girl version of mine by looking at her.

"Spoiled " rinig kong sabi ni Rodrix kaya binelatan lang siya ni Daisy.

"Kita mo na . Nagmana sa pinagmanahan " iiling-iling na sabi ni Rose.

Tsk.

Kinabukasan sabay-sabay kaming pamilya na pumunta sa school ni Daisy. Madaming media ang nakaabang sa labas pero napigilan naman ng guards. We need to be careful masiyadong mainit ang interes ng media sa pamilya ko at masiyado kaming madaming kaaway sa larangan ng buissness.

"Dad , madaming palaro na hinanda ang school para sa mga parents kaya dapat sumali kayo ni Mommy " paalala ni Daisy bago umalis . May mga station kasi na para sa magulang , bata at pang buong pamilya.

Naiwan kami ng asawa ko at hinawakan ko siya sa kamay.

"Let's go somewhere " I said at hinila siya para pumunta sa College Building . Kung san nagsimula ang lahat.

"Natatandaan mo pa sa hallway nato yung una mo akong kinausap at una kong nakilala ang Rose na sinasabi nilang masungit. Hindi ako naniwala dahil ang Rose na kilala ko ay subrang bait at palangiti pero I was wrong because you change a lot but I can't stop my heart from falling " abot-abot ang kaba ko noon ng kausapin niya ako because I can't still move on. Na ang babaeng matagal ko ng hinahanap ay nasa harapan ko na kaya tumahimik na lang ako at nagkunyaring masungit.

"Ang gym nato na magdamag naming pinaghirapan idecorate , halos magpabalik-balik kami sa Mall para maging successful at memorable ang araw na iyon . Nakipag-away pa kami ni Jerald sa Roses dahil naubusan ang flower shop na binilhan namin pero were lucky na nakahanap kami na mapagbibilhan pa . Halos maubos ang photo paper ko at ink dahil kung ano-anong kalokohan ang pinagpipi-print ng players pero all and all nakakagaan ng loob dahil alam mong may susuporta at tutulong sayo at mas nakakagaan ng loob when you say yes " we do a lot of efforts pero sa kabila ng pagod at gastos . Mabubura na lang ang lahat pag pinaltan mo ng kasiyahan.

"I create this jar for you "

Noong iwan niya kami matapos ang New Year we were clueless kong nasaan siya until we see the jar. It's full of sorry but there's 3 sticky notes na may mahabang nakasulat. I read one and I was right she's still the Andrea I know .

Hi , Alam ko magtatampo ka sakin kasi umalis ako ng hindi nagpapaalam sayo inperson but believe me it's hard to leave you pero kaylangan . It breaks my heart na iwan yung lalaking kauna-unahan kong minahal , yung lalaking walang ginawa kundi pasayahin ako. Hendrix baby I love you to the stars and galaxys , always remember that . I'll comeback I promise so wait for me.

-Andrea-

Soh in exchange I give my jar to her.

Rose POV

Nagulat ako ng ibinigay sakin ni Hendrix ang jar na ginawa namin noon ng nasa Private Island kami . Puno ito ng sticky notes.

"Para sakin talaga toh ? " tanong ko.

"Ofcourse " he said and kiss me in my forehead.

Binuksan ko ito at binasa lahat pero pare-pareho lang ang mga meaning ng sulat. Iba't-iba man ang lenggwahe pero iisa ang ibig-sabihin.

Saranghae ♡

Mahal kita

Ashiteru

Wo Ai Ni

I Love You

At marami pang iba.

"Bakit puros mahal kita ang ibig-sabihin ? " tanong ko.

"Because It's the truth , I love you in words and action . I love you and I always do . I care for you and I'm thankful to god for giving me the girl I love . Your the star that shoot my heart . To me youre my shooting star and a flower that planted my heart . Mahal na mahal kita" he said and kiss me.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now