Page 28

55 1 0
                                    


Paalis na kami ngayun at tanging bus na lang ang iniintay namin para makaalis.

"Mamimiss ko toh " malungkot na sabi ni Danica.

"Drama mo " sabi ko sabay iniripan siya.

"Talaga namang mamimiss ko toh eh " naka pout na sabi niya kaya nagroll eyes lang ako. Sa yaman ni Kuya Jerald hindi mangyayaring hindi sila babalik dito .

"Don't worry babalik tayo dito " sabi ko kaya tumango lang ang luka at tinanaw ang bus na sasakyan namin papuntang airport.

Naupo ako sa upuan at tumabi sakin si Danica.

"Pag pumunta ba akong South Korea sasamahan mo ko ? " tanong ni Danica. Papano kita masasamahan kung pagkatapos ng graduation ay lilipad na ako papuntang America.

"Depende kung libre " sabi ko kaya nahampas ako sa braso ng luka-luka.

"Wag ka nalang sumama " sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Sa graduation anong plans mo ? " tanong ko kaya lumaki ang ngiti niya.

"Magtatrabaho muna ako sa isang 5 star Hotel at pagka-nakaipon ako magpapagawa ako ng restaurant " masayang  sabi niya. Buti pa siya samantalang ako hindi magagawa ang gusto ko. Gusto ko talaga mag stewardess kaso malalagot ako kay Lolo pag hindi ko siya sinunod kaya kahit ayaw ko kaylangan ko paring sundin .

"Wala ba sa plan mo na PAKASALAN SI KUYA JERALD ? " sabi ko at nilaksan pa talaga yung tungkol sa kasal hahahaha. Agad na namula ang pisngi niya at hinampas na naman ako sa braso. Pag kasama mo si Danica madali kang matatanggalan ng braso =_=.

"Ano ba ? siyempre malayo payun " sabi niya kaya napangiti ako.

"Asus baka pagbalik ko kasal na kayo at may anak na " biglang sabi ko.

"Pagbalik ? Bakit aalis kaba ? " napalunok ako dahil sa sinabi ni Danica. Ang dalas talaga ng bibig ko.

"Aalis ? At sino namang nagsabi sayong aalis ako ? I mean is baka mababalitaan ko na lang na kasal na kayo at may anak na " sabi ko at pinilit na hindi mautal.

"Sabagay maghihiwalay naman talaga tayo dahil may iba-iba narin tayong buissness sa feauture" sabi niya kaya napatango naman ako.

Pagkarating namin sa Airport mabilis kaming sumakay sa Private Plane para humabol sa Halloween Party na ginawa ng School Org.

(Time Check : 2:00 pm )

Dumating kami sa NAIA at mabilis na inihatid sa school para makausap namin si Dean at mapagusapan ang plans regarding sa party dahil 5:00 ang opening ng Party at bawal akong malate dahil kaming dalwa ni Hendrix ang MC.

Pumasok kami sa office ni Dean at binati niya kami bago pinaupo.

"Wear something unique , hindi kayo pwede magcostume ng mga Harry Potter , White Lady costumes etc. , Youre the SC Officer soh dapat wala kayong katulad " sabi ni Dean at tumango kami bago umalis dahil pagod pa kami sa biyahe . Pagkarating ko sa condo agad akong umidlip at nagising ng 4:00 .

Nag-make up ako at ginawa kong smoky eyes ang eye-shadow ko at black na lipstick . Kumuha ako ng isang black na crop-top at black na leather short na may silver na parang nakasabit kinuha korin ang black na leather jacket ko bago nag black na lace-up heeled boots. Napatingin ako sa salamin at sa suot ko. Ako ba toh ? Napailing na lang ako at lumabas na ng condo .

(Time Check : 5:05)

Oh my ghad late na ako . Patay ako nito kay Dean.

Napadako ang tingin ko kay Hendrix na nakasandal sa kotse niya. He's wearing a black shirt and black pants at tulad rin ng akin meron ring design na silver na nakasabit sa kanyang pantalon . Soh ano kami black couple =_= ?.

Lumapit ako sa kanya at ng mapatingin siya sa akin ay bigla na lang siyang napangisi.

"Fuck it ! My girlfriend is so hot " he said at pinasadahan ako ng tingin.

"Bolero " sabi ko pero ngumiti lang siya at binuksan ang pinto ng kotse niya at ng makasakay ako mabilis naman siyang umikot para makasakay narin at makaalis na kami. Pagkarating namin sa school natanaw ko na agad sina Danica na nagtatawanan sa aasign table samin.

"Oh my ghad who's this girl ? " sabi ni Danica kaya napatingin sila sakin. Maypa who's this girl , who's this girl pa siya eh hindi ko nga maintindihan kung halloween party ba talaga ang pinuntahan namin =_= dahil sa suot naming na parang aatend kung saan-saan .

"Sure ba kayong hindi kayo naligaw ? " tanong ko. Si Danica naka red na lace crop top at wrap skirt na black , si Kuya Jerald naka red siyang polo-shirt at black na pantalon and the rest kung hindi black at red , blue at white ,tiyaka green . Mukha lang kaming aatend ng Party at hindi Halloween . Ako , Si Hendrix , Danica at Kuya Jerald na akala mo ay mga rock star na may concert .  Si Jed at Franco akala mo magbe-beach at si Callix at Miguel na kulang na lang maging puno dahil green na green ang suot.

"Anong pakulo niyo SC Officer ? " nakataas ang kilay na tanong ni Dean.

"Good evening Dean " bati ni Kuya Jerald na akala mo walang tinanong si Dean.

"Players may ina-assign akong table sa inyo " lingon ni Dean kayna Jed pero nginitian lang siya ni Franco , Miguel at Jed .

"Don't worry Dean nandoon naman ang iba pang players sa inassign niyong table " taas-babang kilay na sabi ni Miguel kay Dean kaya tinaasan niya lang ito ng kilay at lumingon saming dalwa ni Hendrix. "Kayong dalwa pumunta na kayo sa stage para masimulan na ang party " sabi niya samin kaya tumango kami at pumunta sa stage at kinuha ang papel na para sa event .

"Goodevening students " bati ko kaya napuno ang buong gymnasium ng sigawan. Lahat ng College student at Highschool ay pinagsama ngayung gabi kaya napuno halos ang gym at sa tantiya ng School Org inabot ng 8,456 students ang umattend.

"The party will starts now. You can step the dancefloor and enjoy the night . We will announce the Halloween King and Queen in 8:00 pm soh enjoy this night and vote for the deserve Halloween King and Queen , you can eat foods in our buffet table too " pagkatapos kong sabihin yun pumalakpak ng isa si Hendrix at umalingaw-ngaw ang malakas na music.

"Rose samahan mo ko sa DJ ! " sigaw ni Danica kaya lumapit ako sa kanya pagkababa ko sa stage at sinamahan siya sa DJ. Hiniling niya sa DJ kung pwede siya nalang ang mag-operate ng music at agaran naman siyang pinayagan  dahil sa mataas na katungkulan sa school.

(Playing Burn It Up by Wanna One )

Pagka-play ng music at pagdating sa chrous napuno na ang dance floor at lahat sila ay halatang nageenjoy lalo na ng sumabay ang ilaw sa beat ng music . Nang matapos ang music agad itong pinaltan ni Danica.

(Playing DNA (pedal 2 LA mix ))

Napailing na lang ako dahil sa totoo lang wala akong maintindihan sa pinatutog-tog ni Danica at sabi niya it's a K-pop song daw at kada may patututug-tugin siyang ay sasabihin niya sakin ang kanta at sinong kumanta tulad na lang ng kanina. Madami rin siyang sinabi like :

Hard Carry by Got7
Best of Me by BTS
We Are by Wanna One
Bang bang by BigBang at madami panh iba.

Nagpaalam muna ako sa kanya para kumuha ng pagkain .

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Sinagot ko ito at hiyaang maunang magsalita ang tumawag , lumabas rin ako ng gym para marinig kong mabuti yung tumatawag.

"Hello Apo " napasinghap ako ng marinig ko ang boses ni Lolo.

"Handa kana bang iwan ang Pilipinas hahahaha " tanong nito sabay halak-hak. "Magkikita rin tayo apo " huling rinig kong sinabi niya bago namatay ang tawag. Napatitig ako sa kawalan.

My Lolo is a cruel man and A son of a devil.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now