Page 22

56 1 0
                                    

Rose POV

"Drei-drei tignan mo yung star oh ang haba " turo ng isang bata sa isang shooting star.

"Stupid it's a meteor but many people called it shooting star " sabi ng isang batang lalaki.

"Ayun ba yung shooting star, diba pwedeng magwish diyan tapos magkakatotoo " nakangiting sabi ng isang babae.

"You believe that ? " tanong nung batang lalaki.

"Oo naman " sabi ng batang babae at pumikit.

"What did you wish ? " tanong ng batang lalaki.

"Sana paglaki ko magpakasal tayo sa madaming shooting star" sabi ng batang babae habang nakangiti sa isang batang lalaki.

"What ? Do you want to marry me ? " tanong ng isang batang lalaki.

"Oo naman . Kasi sabi ni Mommy pag nagmamahalan daw kayo pwede kayong magpakasal , diba mahal mo naman ako Drei-drei " paliwanag ng batang babae.

"Yes , I love you " sabi ng batang lalaki at hinalikan sa noo ang batang babae.

"Basta promise mo sakin na magpapakasal tayo at gusto ko yung pagkatapos ng kasal natin Drei-drei sabay nating papanoodin ang madaming shooting star " sabi ng batang babae.

"Yes I will and I promise " sabi ng batang lalaki.

Bigla akong napabangon dahil sa napanaginipan. Sino ang mga batang yon ? Ang haharot nila kebata-bata pa nasa isip na magpakasal =_=.

"Are you okay ? " tanong sakin ni Hendrix. Nasa kwarto ako .

"Hah !? Bakit ano bang nangyari ? " takang tanong ko.

"What ? You don't remember what happen ? " sabi niya kaya napakunot ang noo ko at unti-unting narealize ang nangyari kanina. Haist ang lapit kasi namin sa gubat kaya siguro nakapasok yung sawa infairness lang hindi niya agad ako sinunggaban hah. At buti na lang dumating yung tagapangalaga niya. Taga DENR ata na nangangalaga ng mga ahas na ganon.

"Saan dinala yung sawa ? " tanong ko.

"Ibinalik sa wild " ay naku naman bakit nila ibinalik may tao na ngang ahas pinadadami pa nila . Chos .

Napahinga ako ng malalim ng makita ang paa ko . Ano bayan wala ba silang balak na palakarin ako ? .

"Don't worry I will carry you " napatingin ako kay Hendrix. Carry as in buhat, pwedeng kiligin ? .

"Ayos lang hindi na naman siguro toh masakit bukas " sabi ko at nahiga. "Goodnight " sabi ko .

"Okay then " sabi niya at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa sofa.

"Wait , hindi ka pupunta sa kwarto mo ? " biglang tanong ko.

"No " sabi niya at naupo sa sofa. Seryoso ba siya ? "Don't mind me just sleep , I'm okay " dag-dag niya pa kaya tumango na lang ako at pumikit.

"ROSE!! " mabilis akong napabangon sa kama dahil may biglang sumigaw pati nga si Hendrix ayun nahulog sa sofa.

"Sorry hehehe " sabi ni Danica sabay peace sign.

"Pag ako nakalakad  ipaalala mo sakin na kaylangan kitang tadyakan " sabi ko at sinamaan siya ng tingin kaya nagtago siya sa likod ni Kuya Jerald tsk maharot na babae =_=.

"Actually Rose pwede ka ng makalakad ilagay mo lang ang oitment nato para hindi masiyadong masakit pagnaglalakad " sabi ni Alexa bago may binigay sakin.

Shooting Star (Guillera Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora