Page 18

64 2 0
                                    


Inis akong bumangon dahil nalulula nako sa pag-alog sakin at nakita ko si Danica na may hawak pang kawali at sandok mukhang papatunugin pa ata kung hindi lang ako nagising nagshare kasi kami ng room ayaw niya daw kasi dun sa room niya kinikilabutam daw siya.

"Alam mo pag hindi ka umalis sa harapan ko sayo ko ipupok-pok yang dala-dala mo " sabi ko kaya dali-dali siyang lumabas . Tsk panira ng tulog.

Kinuha ko ang tuwalyo ko at binuksan ang bag ko para makuha lahat ng gagamitin ko . Kinuha ko lang ang red kong short , white na knot front na damit at yung flip-plops kong dinala na kulay black at may diamond ang bawat gilid.

Matapos kong maligo , makapagbihis at mag-ayos bumaba nako para makakain. Nakita kong mag-isang naghahanda si Danica sa kusina si Alexa ayun nagkakape sa table at hindi ako napansin kasi busy sa cellphone si Kuya Jerald nandun sa sala keaga-aga nanonood ng basketball , si Hendrix ayun kasama pati si Callix tsk .

Napataas ang kilay ko ng tumunog ang cellphone ni Danica at napatingin sa kanya si Alexa bago kinanta yung hindi kong maintidihan na kanta kaya ayun nagjamming na silang dalwa eto pa para silang tanga na nasayaw sa unahan.

"Wag niyo namang paulanin ! " rinig kong sigaw ni Callix mula sa sala.

"Mind your own buissness ! " sigaw rin ni Alexa bago bumalik sa ginagawa nila ni Danica like srsly ano ba yung sinasabi nila dahil sa totoo lang wala akong maintindihan yung naiintindihan ko lang eh yung mahabang fire like this payeeeerrrrrr like that yun lang talaga tapos para silang mga nakawala sa hawla o di kaya'y sa Mental Hospital =_=.

"Manahimik kayo utang na loob ! " sigaw naman ni Kuya Jerald.

"Kung trip niyo yan ito trip namin ! " balik na sigaw ni Alexa. Napailing na lang ako . Hindi ko kilala ang mga yan psh.

Kumuha ako ng dalwang box ng pancake , tocino at ham yun kasi yung nasa ref kinuha korin yung black na apron malapit sa ref kung puro sila kalokohan wala kaming makakain rito ang inayos lang naman kasi ni Danica ay mga plato pero wala namang pagkain ano yung ngangat-ngatin namin ang plato at tasa pati baso =_=.

Nagluto muna ako ng fried rice bago isinunod yung tocino at ham bago yung pancake siyempre kaylangang ayusin payun eh ng matapos ako kinuha ko yung coffee machine at kinuha yung mga tasa sa table bago nilagyan lahat ng humarap ako sa dining table para dalhin lahat ng naluto ko nagulat na lang ako na nandun silang lahat at nakatingin sakin.

"Grabe ang galing mong magluto kanina Rose hindi mo manlang kami napansin " sabi ni Danica.

"Pasado kana sa pagiging asawa ko Princess " biro sakin ni Callix kaya nakatanggap siya ng malakas na batok kay Kuya nailing nalang ako at hinanda na yung naluto ko.

"Ang sarap ng pancake grabe " komento ni Danica na sinangayunan ni Kuya Jerald , Callix , at Alexa pero si Hendrix ayun busy sa pagkain ng matapos kaming kumain tinulungan ako ni Danica na maghugas ng plato kaya mabilis kaming natapos.

"Thank you sa breakfast hah the best yun subrang nabusog ako " sabi ni Danica kaya tinanguan ko lang siya. Dahil kay Lolo ayan naging independent ako ng pinalayas niya kami doon ko natutunan lahat kung pano magluto , maglinis , maglaba , at mag-ipon ng pera natutunan ko yan sa tulong ni Mama kahit naman daw kasi mayaman daw si Mama nagpaturo parin daw siya kayna Manang noon para hindi daw nakakahiya sa magiging asawa niya.

Masaya kaming lumabas at tinanaw ang asul na dagat.

"Now guys find the box go " sabi ni Alexa kaya naghiwa-hiwalay na kami . Masakit na ang paa ko pero wala parin akong nahahanap lalakad na sana ako ng may mapansin ako sa na nakabaon sa buhanginan kinuha ko ito at kulay na blue na box ang lumitaw yes sa wakas nakakuha rin ako pero kulang pa ng isa.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now