Page 17

73 2 0
                                    


Maaga akong nagising don't get me wrong hindi ako excited pero parang ganun narin hahahaha gulo ko. Napatitig ako sa walk in closet ko ano bang dadalhin ko ? Mag bibikini bako , two-piece ano ba ? Aish kinuha ko yung two-piece kong black , stripe , red , yellow and white good for 5 days. Binuksan ko naman ang isa ko pang cabinet kumuha ako ng isang maxi floral red dress and white off-shoulder chiffon dress , blue summer dress , kumuha rin ako ng limang shorts , one pants and two skirts , pati pantulog sa mga dala-dala ko parang gusto ko ng tumira sa private island =_= hindi ako makapili eh edi dalhin lahat problema bayun. Kumuha ako ng mga kung ano-ano rito tulad ng shampoo , sabon , sun block lotion , pabango at mga panggirl thingy.

Matapos kong mag-ayos ng bag hinanda ko narin ang susuotin ko mamaya at ng matapos ako rito naligo lang ako at dumeretso sa kusina nagsuot lang ako ng short at mahabang t-shirt mamaya pa namang gabi ang alis namin kaya ok lang. Habang nagluluto ako ng sinigang may kumatok kaya binuksan ko habang dala-daka yung sandok  nakalimutan kong ibaba eh.

"H-hendrix " nagtatakang kong sambit like what the hell ? Nakakahiya kaya ikaw kayang pagbuksan ang ganitong kagwapong tao na may dala-dalang sandok hindi pako nagsuklay pinuyod ko lang ang buhok ko my gosh nakakahiya. May dala siyang isang travel bag at nakasuot siya ng short na kulay brown , blue na polo na nakatupi hanggang siko at nakabrown na sneakers napalunok ako ng makita ko na tatlong butones ang bukas sa polo niya at kitang-kita mo yung dib-dib niyang nakakapangakit ay husko Rose ang landi mo.

"Done checking me ? " sabi niya na ikinapula ng pisngi ko enebe nakakahiya .

"P-pasok ka " sabi ko nalang, ay shit teka baka nasunog na yung sinigang ko ayan kasi eh landi pa more.

Nakahinga ako ng malalim ng hindi ito nasunog parang kasusulak pa nga lang eh haist akala ko magiging palpak ako nito eh tinikman ko ang sabaw at ayus naman siya sana hindi pa nakain si Hendrix para matikman niya ang niluto ng future wife niya charot !.

Naghanda nako at kitang-kita ko ang paglilibot ni Hendrix sa condo . Costomize ang condo ko binayaran kasi ni Lolo ang 4 na condo para magkasecond floor ang condo ko kaya nagend-up na ganong kamahal.

"Nakakain kana ? " lapit ko sa kanya kaya tumingin siya sakin at umiling. "Kung gusto mo saluhan moko ? " kibit na balikat kong sabi ugghh nakakahiya baka mapansin niya na iba nako sa kanya siyempre magka-away kami edi dapat nagbabangayan na kaming dalwa rito.

Ngumisi siya at biglang lumapit sakin husko ang tuso talaga ng lalaking toh .

"Sure " nakangiting sabi niya at nilampasan ako.

Hendrix Andrei Guillera ang paasa mo bwisit ka sarap mong sakalin.

Habang nakain hindi ko maiwasan tumingin sa kanya baka kasi hindi siya nasasarapan .

"Ayus lang ba ? " tanong ko.

"Yep" sabi niya sabay kain . Haist buti naman akala ko hindi eh .

Naalala ko meron nga pala akong graham cake na binili sa isang store . Tumayo ako at kinuha yun sa ref hindi ko narin kasi toh nakain kagabi dahil gabi na.

Mag-ooffer sana ako kaso baka makahalata na siya pero ugghh hindi ko mapigilan.

"Try this masarap toh " sabi ko kahit hindi ko pa natitikman =_= tumingin lang siya sakin at ngumisi kaya bumalik na lang ako sa upuan ko at kinain yung graham yang ngising yan napakapaasa . Nagulat na lang ako ng bigla na siyang nakalapit sakin at tinuunan niya ng isang kamay yung table bago humawak sa isa pang kamay sa upuan ko . Shit corner.

Bigla siyang lumapit as in 1 inch na lang mahahalikan niya nako.

"Let me taste it " sabi niya at bigla na lang akong hinalikan nagulat ako siyempre lalo na ng gumalaw yung labi niya like srsly nakakadala siyang humalik napapikit na lang ako at sinabayan siya kahit hindi ako maalam sinasabayan ko siya that's how it works sabayan mo lang matututo karin naramdaman ko ang pangisi niya sheezzz I'm falling hard. Nagbitaw lang ang mga labi namin ng maubusan kami ng hininga. "Youre right it's sweet " sabi niya at dinilaan pa ang labi ugghhh nakakahiya .

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now