Page 11

82 3 0
                                    


Napabangon ako sa tunog ng alarm clock kong maingay siyempre alarm nga eh tiyaka magigising kaba pag hindi maingay hindi naman diba.

[A/N: Parang patay lang noh tulog tapos biglang bangon HAHAHAHAHAHA ]

Manahimik ka Author.

[A/N : Opo boss HAHAHAHAHAHA ]

Ang lakas ng tama ni Author ngayun wag niyo na lang pansinin nakahit-hit lang yan.

"Anak absent ka muna hah nasabi ko narin naman kay Kumare " biglang pasok ni Mama sa kwarto ko. "Since ayaw mo naman daw dun sa bahay na binibigay ng lolo mo binigay niya na lang sayo yung pangarap mong magka-condo since your in your legal age na naman daw wag ka narin mag-alala katabi mo rin naman ang condo na binili ni Kumpare para kay Hendrix as a 20th birthday gift " napanga-nga ako sa sinabi ni Mama. Bakit ang extra ni Hendrix sa buhay ko.

"Sige ma magiimpake napo ako " tango ko nalang kay Mama. Eh ano pa ? Hindi korin naman matatangihan ang offer ni Mama este ni Lolo siyempre pangarap ko nga diba .

Naligo na muna ako at nagbihis ng pang-alis para pagkaimpake deretso lipat na excited eh . Kinuha ko ang red kong crop top at wrap skirt kong black at converse siyempre .

Naimpake ko na ang lahat-lahat ng gamit ko at ayun nagkasya naman siya sa isang maleta ewan ko nga lang kung gulo na yung iba kong damit sinik-sik ko eh ayaw ko kasi ng madaming bit-bitin.

Pababa nako ng hagdan ng makasalubong ko si Hendrix na may dala-dala ring bag. Soh sabay kaming pupunta doon sa Condo ?. Ughh  kahit isang araw lang mawala naman ang pangalan ng lalaking toh sa kwento ko.

Kwento ko bato o kwento niya ? Ay basta ewan ganun narin yun =_=.

[A/N: Kwento ko toh hindi mo kwento wag mag feeling ]

Sabi ko nga iyo ang kwento  eh highblood kanaman agad.

"Ma , Dean and Ser good morning po " bati ko sa kanila . Nasa sala kami at nanonood sila ng balita.

"Alis na kayo ? " tanong ni Mama kaya tumango ako. "Ito pinabibigay ng lolo mo para pambili ng pagkain " sabi ni Mama at binigyan ako ng isang credit card.

Soh ganon spoiled na ako kay Lolo . Tumango nalang ako at nagpasalamat bago sumabay kay Hendrix since hindi ko naman alam kung san building yung condo ko.

Tahimik ang biyahe at hindi naman kalayuan sa subdivision nina Dean kaya mabilis kaming nakarating sa building .

"Room 205 " sabi niya sabay banggit sakin ng susi na may kasamang code card . Ang bastos ng lalaking yun ibanggit daw ba.

"Salamat hah " sarcastic na sabi ko at inirapan siya.

16th floor Room 205
Pass code : *********
2 rooms , kitchen , veranda , living room ,  walk in closet and make-up room.

Wow ang ganda naman ng binili ni Lolo magkano kaya toh . Binaliktad ko ang card at may nakalagay na pangalan ng bumili , owner at contract bill.

Contract bill : 25,000,000

Napanga-nga ako shit baka may hininging kapalit si Lolo dito. Mahalaga sa kanya ang pera at never siyang gagastos ng ganitong kalaki ng walang kapalit. Agad kong tinawagan ang dating number ni Lolo yun lang kasi ang meron ako.

"Hello apo "

"Lo----

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo ? "

"Lo anong kaylangan mo ? "

"Wala pa sa ngayon pero sa susunod sasabihin korin sayo wag kang mag-alala apo "

"Lolo naman "

"Bye apo Enjoy the new life "

*toot* *toot* *toot*

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Lolo sheezz he's so devil . Pumunta na ako sa condo ko . Pagkabukas ko ng ilaw nagbukas rin ang aircon . Binisita ko ang ref at ni kahit isa walang laman as in nagana lang siya pero walang pakinabang pati mga cabinet haist makapag-grocerie nga muna.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa malapit na grocerie store . Pagkarating ko roon mabilis akong kumuha ng basket at kinuha ang kakaylanganin ko. Mabilis naman akong nakapagbayad dahil kakaunti naman ang taong namimili at limang malalaking plastic bag LANG naman ang bibit-bitin ko pati kasi sabon panlaba , downy , sabon , shampoo etc. Ay binili ko narin para isang bilihan na lang.

Papara na sana ako ng taxi ng may kumuha ng tatlong plastic bag sa kamay ko pagtingin ko si gilid.

HENDRIX NA NAMAN HUSKO .

Bigla niyang hinawakan yung free hand ko at hinila papunta sa kotse niyang naka-park.

"Ayus lang naman kung ako na ang magbibit-bit " sabi ko kay Hendrix pero umiling lang siya at kinuha ang dalwa pang natitira kahit na may bit-bit na siyang 2 kaya nag end up 7 ang plastic bag na dala-dala niya.

Edi siya ng malakas.

"Salamat" pasalamat ko sa kanya pagkapasok niya sa driver seat.

"Samahan mo muna ako maggala sa Mall " sabi niya kaya tumango na lang ako , wala rin naman kasi akong gagawin.

Pagkadating namin sa Mall hinawakan niya ang kamay ko at tatanggalin ko na sana kaso lalo niya namang hinigpitan . Mukha ba akong maliligaw sa Mall at kaylangan hawakan niya pa ako. Pumunta kami sa bilihan ng jewerlies at hindi ko rin alam kung anong ginagawa namin rito.

"Welcome po Ser " soh ganon ate walang welcome pag Mam ang usapan sapatusin kita diyan eh kita mo . Naparoll-eyes na lang ako ng kausapin niya si Hendrix at kung ano-anong sinasabi. Isa pang hindi niya ako mapansin makakatikim sa akin ang isang toh.

"Mam kayo po anong bet niyo " nakataas ang kilay ko ng tinignan ko siya.

"Bet ko ba ? Bet ko yung mga sales lady na hindi marunong magwelcome ng iba pang costumer.  Ang sarap kasi nilang sampalin yun yung bet ko bakit ibibigay mo ba ? " napalunok siya sa sinabi ko. Yan tama yan . Inuuna kasi ang landi eh.

"Miss I take this " turo ni Hendrix sa isang necklace.

Oh para san naman at kanino yang necklace na binili niya halatang pambabae eh.

Gold necklace siya at may pendant na star tapos yung star may nakapalibot na diamond infairness ang ganda ng taste niya.

"Para saan yan ? " tanong ko.

"Para sa babaeng mahal ko " nakangiti niyang sabi at inakbayan ako.

"M-may mahal kana ? " tanong ko. Teka bakit parang kinurot ang puso ko parang gusto kong umiyak , parang hindi ko matanggap.

"Yep , soon makikilala mo rin siya " sabi niya bago ako hinila sa isang restaurant.

Ma-makikilala ko ? Parang hindi ko kayang makilala yung babaeng mahal niya. Parang ang sakit.

Sinamahan ko na lang siya sa trip niya at ipinagbahala na lang ang nalaman.

Mawawala rin siguro toh.

-------------------------------

Oh guys tama na muna tayo sa dalwa bigyan muna natin ng moments sina Jerald at Danica.

Are you ready ?  Flip the pages or scroll down na lovelots 💕💞💖

Coment and Vote .

Enjoy reading .

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now