Page 45

85 1 0
                                    

Wedding

Rose POV

Nakaharap ako sa isang full lenght mirror habang tinitignan ang ayos ko. Naka lugay ang buhok ko at lalo pang kinulot ang baba at may koronang nakalagay na silver na napapalibutan ng diamond at white head dress na tinatakpan ang mukha ko. Nakasuot ako ng magarbong white wedding dress at white na doll shoes  naman ang suot na pangpaa ko .

"Definition of a goddess " rinig kong sabi ng make-up artist ko.

Noong madischarge si Rodrix sa Hospital agad naming inayos ang kasal namin ni Hendrix para magkakasama na kami sa iisang bubong at maging isang masaya at buong pamilya.

"Mam the bridal car is here already " sabi ng isa sa aming kasambahay. Tinanguan ko lang siya at nagpasalamat.

"Salamat Gina hah . Ang ganda ng make-up ko " pasalamat ko sa make-up artist ko , nginitian niya lang ako at nagpapicture para daw dumami ang kliyente niya dahil sa kilala daw akong tao.

Matapos ang picturan na naganap sinamahan niya akong sumakay sa limousine na sasakyan ko papuntang simbahan . Kasama ko dito si Danica na brides maid ko.

"Sabi ko na nga ba at mauuwi kayo sa kasalan dalwa eh " tuwang-tuwa sabi niya.

"Sus kayo nga ni Kuya Jerald eh may pabreak-break pa halata namang mahal niyo ang isa't-isa " kumento ko na ikinasimangot niya.

"Lintiyak kasing Arrange Marriage nayan . Tsk pag ako nabwisit sa magulang niya naku kikidnapin ko ang anak nila " sabi niya na ikinatawa ko.

Nagbreak kasi sila dahil gusto iarrange marriage ng magulang ni Kuya Jerald si Kuya Jerald dahil tulad namin noon ni Lolo bumabaksak narin ang kumpanya nila at dag-dagan mo pa na hindi boto ang nanay ni Kuya Jerald kay Danica .

"Pag ako yumaman naku ako mismo magaarange marriage sa amin " sabi niya sabay roll eyes.

"Yumaman ? Gusto mo bang tulungan kita . Bumuo ka ng restaurants and I will invest " sabi ko na ikinalingon niya.

"Hulog ka talaga ng langit " sabi niya sabay yakap sakin.

Gaganapin ang wedding namin sa Private Island na pagmamay-ari ng Pamilya Guillera. Gaya ng pangako namin sa isa't-isa noong bata kami . He will marry me under the stars and we will watch a meteor shower after the wedding. Buti na lang at maagang nag-anunsiyo ang PAG-ASA na may magaganap daw na Meteor Shower kaya nakapag-ayos agad kami ng invitation at date. Masuwerte rin kami at nagkaroon ng meteor shower ngayong taon dahil once in a lifetime rin itong mangyari.

Nakarating kami sa eksantong lugar sa eksantong oras at naririnig ko na agad ang announcement ng MC mula dito sa labas na magsisimula na ang kasal.

Naglakad kami papasok sa private island . Inalalayan ako ni Gina at Danica na ayusin ang gown ko. Papalapit pa lang ako sa venue nakita ko na agad sina Ate Francine na nakangiti sa akin.

"Congratulation Bunso " sabi niya sabay yakap sakin.

Ate Francine is 2 years married with Miguel or should I say my brother-in-law at 3 months ng buntis si Ate. Si Papa naman huli ng mabalitaan kong nakakulong siya dahil sa pagdodroga.

"Ang bilis ng Panahon , umalis lang ako nagkanobyo kana agad " nagulat ako ng biglang sumulpot si Kuya . Oh my ghad I miss him so much.

"Kuya , buti nakadalo ka " sabi ko at hindi nagatubuli na yakapin siya.

"Masaya ako para sayo bunso " sabi niya habang yakap ako.

"Thank you Kuya " sabi ko . "Ayan tuloy naiiyak na ako " dag-dag ko pa.

Shooting Star (Guillera Series 1)Where stories live. Discover now