*A*

248 21 6
                                    

“Asimptota”

Minsa’y may dalawang linya
Pinagtagpo ng tadhana
Naging malapit sa isa’t-isa
Ngunit kailanma’y ‘di magsasama.

Dalawang taong sadyang pinagtagpo
Sa tadhana’y tila ba nakikipaglaro
Sa mga balakid ay may patintero
Na ang ginhawa’y makakamit lang sa dulo.

Sinasabi mang magkarugtong ang kanilang kapalaran
Maging malapit sa isa’t-isa’y kanilang naranasan
Ngunit ang sayang naramdaman, may limitasyon at may katapusan
Pagkat ang kanilang kuwento’y ‘di nagwakas sa nais nilang paraan.

Random PoetryWhere stories live. Discover now