*B*

166 23 6
                                    

“Bagay Sa ‘Yo”

Ang mahalagang araw na ito
Minarkahan ko pa sa kalendaryo
Pagkat sabay ang ating mga puso
Sa pagdiriwang ng ating anibersaryo.

Nang tayo’y magkasama na
Ako’y nag-aabang kung may surpresang nakahanda
Umaasa akong iyong maaalala
Ngunit sumapit ang hatinggabi, wala ka pa ring ginagawa.

Nagtatampo na ako
Nagtataka kung paanong nakalimutan mo
Espesyal kasi sa akin ang araw na ito
Espesyal rin ba sa ‘yo?

Nagpaalam kang uuwi ka na
Pati pala paghatid sa akin, nakalimutan mo na
‘Di ako umalis agad, ‘di ko alam kung bakit
Baka gusto ko lang magpahupa ng sakit at galit.

Biglang tumalon ang puso ko nang ika’y bumalik
Nakahawak ng singsing na kumikislap, nakaluhod sa harap ko
Ako’y wala sa sariling napatango sa tanong mo at siniil mo ng halik
Sinuot mo sa aking daliri ang singsing sabay sabing, “Bagay sa ‘yo.”

Random PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora