*O*

26 8 0
                                    

“Osong Nagsasalita”

Mukha na akong tangang nagwawala sa gitna ng gubat na ito
Ngumangawa at kinakausap ko pa ang sarili ko
Nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isang malaking oso
Natakot ako nang biglang magsalita ito.

Si Alice ba ako? Wonderland ba ito?
“Ano’ng ginagawa mo sa teritoryo ko?” ani ng oso
“Dito raw kami magkikita ng boyfriend ko,” sagot ko
“Pero kanina pa siya wala!” Nag-aalburoto na ako.

“Bakit naman siya sa gubat makikipagkita?
Baka gusto ka na niyang mawala?
Baka naman ayaw na niya sa ‘yo?
Kasi naman ang pangit pangit mo.”

Nainis ako kaya hindi ko na kinausap
Aba’t pasulyap-sulyap
“Kung may sasabihin ka sa boyfriend mo, ano?”
“Mahal na mahal ko pa rin siya kahit hindi niya ako sinipot dito.”

Nagulat ako nang matanggal ang ulo ng oso
Pero nawindang ako nang makita ko ang guwapong nilalang sa harap ko
“Talaga? Mahal na mahal mo ako?”
Ay! Bakit ‘di ko naisip na mascot ito?!

Random PoetryWhere stories live. Discover now