*G*

45 14 1
                                    

“Gumamela”

Sa balkonahe, tayo’y magkasama
Nakadungaw sa magandang tanawin sa ibaba
Nilalanghap ang sariwang hangin
Kasabay ng yakap mong kaysarap damhin.

Sabay tayong kumakanta
Habang tinugtog mo ang gitara
Mata nati’y nakatuon sa isa’t-isa
Tila nag-uusap kahit hindi nagsasalita.

Natapos ang kanta, kasabay ng pagtugtog mo
Lihim akong napangiti ng isandal mo sa iyong balikat ang aking ulo
Bahagya kang nakayakap sa akin
Kaya’t ako sayo’y  napayakap na rin.

Nagtaka ako nang ipuwesto mo akong kaharap ka
Dahan-dahan mong ipinakita ang bulaklak ng gumamela
Inilagay mo sa aking tainga
Kasama ang mga hibla ng buhok kong kumawala.

Tinitingnan mo akong parang sinusuri ang aking mukha
At labis akong nagulat sa sunod mong ginawa
Naglapat ang mga labi
At naramdaman kong ika’y napangiti.

Random PoetryWhere stories live. Discover now