*1*

25 7 0
                                    

“Isang Pagkakamali”

Bakit sa dinami-rami ng magandang nagawa ko
Wala kayong kahit anong kibo, binabalewala niyo
Pero dahil lang sa isang beses na nagkamali ako
Kung makapanghusga kayo, sagad hanggang buto.

Oo, aaminin ko nagkamali ako
Naglihim ako sa inyo
Kasi ayaw kong maging pabigat sa grupo
Ngunit ang pagkakaintindi niyo, wala akong tiwala sa inyo.

Hindi ko inaasahang aabot sa magbabago kayo
Ang paraan ng pakikitungo niyo sa akin, naging malabo
Sa paraan ng pakikipagplastikan
Doon niyo ako ginagantihan.

Sabihin niyo lang kung ayaw niyo na ako
Kasi ako ang kusang lalayo sa inyo
Kaysa naman pinagkakaisahan niyo ako
Paulit-ulit na sinusumbat ang kasalanan ko.

Marami na tayong pagsubok na pinagdaanan
Nangako sa bawat isa na walang iwanan
Bakit nagkawatak-watak sa huli
Nasira lahat dahil sa isang pagkakamali.

Random PoetryWhere stories live. Discover now