*M*

33 10 0
                                    

“Maling-Mali”

Alam kong una pa lang
May pagtingin na ako sa ‘yo
Pero hanggang doon na lang
Pag-aari ka kasi ng kaibigan ko.

Sa tingin ko, masaya na kayo sa isa’t-isa
Kaya pagtingin ko sa ‘yo, isinantabi ko na
Naiintindihan ko, naglalambingan kayo
Pero kailangan talaga sa harap ko mismo?

Nakakapagtaka ka nitong nakaraan
Mga kilos mo‘y may pinapakahulugan
Iba ang paraan ng iyong pagtingin
Sa akin ba’y nagkakagusto ka na rin?

Nagulat ako nang ako’y iyong sundan
Hinila sa walang masyadong dumadaan
Napatingin ka sa aking labi kaya akma kong tatakpan
Ngunit huli na, agad mo akong hinalikan.

Sabi ng isip ko, “Di ba ito ang gusto mo?”
Tinulak ka, mukha mo’y may guhit ng pagtataka
Ang pagtaksilan ang kaibigan ko’y hindi ko magagawa
Tumakbo ako palayo, pinupunasan ang labi, mga luha’y patuloy sa pagtulo.

Random PoetryWhere stories live. Discover now