*I*

43 13 1
                                    

“Ilan”

Malambing ka sa una
Hanggang una ka lang pala
Sapagkat hindi nagtagal, nagbago ka
Sa akin, naging malamig ka.

Ugali mo’y nag-iba
Mga kilos mo’y nakakapagtaka
Minsan bigla ka na lang mawawala
Hindi ko alam saan ka nagpupunta.

May tinatago ka ba?
Kasi nagsisimula na akong manghinala
Hindi ka naman ganiyan dati
Pakiramdam ko, mayroon talagang mali.

Hanggang kusang lumabas ang lihim mo
Ang dami pala ng babae mo?
Ilan na kaya ang nahalikan mo?
Ilan naman ang natikman mo?

Ilan ang pinaikot at pinaglaruan mo?
Ilan ang babaeng pinaiyak mo?
Ilan pa kaya ang balak mo?
Ilan pa bago ka huminto sa panggagago mo?

Random PoetryWhere stories live. Discover now