RPLL: 19

18 4 0
                                    

“Wala”

Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa pisngi

Mga luhang dulot ng sakit at pagdadalamhati

Walang sawang pag-aalala sa lahat ng pangyayari

Sa mga araw na puno ng halakhak at mga ngiti.

Walang hintong pagtibok ng puso para sa iyo

Kahit hindi tinupad ang pangakong mananatili sa tabi ko

Walang rason para kalimutan ka

Kahit sa kabilang buhay ay nauna ka na.

Random PoetryWhere stories live. Discover now