*3*

20 5 1
                                    

“Tatlong Buwan”

Kapuwa masaya sa piling isa’t-isaMakasama lang kita, ako'y kumpleto na
Subalit nagbago lahat sa isang iglap
Hindi kanais-nais na pangyayari ang naganap.

Nang dahil sa isang malagim na trahedya
Mga alaala mo’y permanenteng nabura?
Hindi ko pa rin matanggap na pagdilat ng iyong mga mata
Burado na sa isip, hindi mo na ako kilala.

Ayaw kong maniwala na may amnesia ka
Nakapanghihina ng loob, paano kung totoo nga?
Pangalan ko nga hindi mo matandaan
Sana naman ‘yung pag-ibig ko sa ‘yo, hindi mo nakalimutan.

Kahit ganito ang sitwasyon, maghihintay ako
Kung kinakailangan, iparirinig ko sa ‘yo ang tibok ng puso ko
Kasi ito mismo ang magpapatunay at magpapahiwatig sa ‘yo
Kahit nakalimot ka, ikaw pa rin ang itinitibok nito.

Nagtiyaga akong magkuwento, kahit nakakapuyat
Alam kong babalik din sa dati ang lahat
Isang araw, nagulat ako ng banggitin mo ang pangalan ko
Matapos ang siyamnapu’t-isang araw, naalala mo na ang pag-ibig ko.

Random PoetryWhere stories live. Discover now