*R*

25 8 0
                                    

“Retokada”

Madaling mapansin ang peke
Mahirap itago kung saang parte
Bakit ba itinatago ang tunay na kulay
Nakasasama ba? Nakakamatay

Siguro tama ang aking kutob
Kulang ka lang sa lakas ng loob
Huwag kang magpapadala sa takot
Dahil ang mundo’y hindi lang sa ‘yo umiikot.

Wala silang pakealam
Wala rin silang karapatan
Lahat ng tao may kahinaan
At iyong sa ‘yo, takot kang mahusgahan.

Makuntento ka sa bigay ng Diyos sa ‘yo
Sa mundong ito, wala Siyang ginawang perpekto
Maraming paraan para gumanda
Pero hindi sa pagiging retokada.

Panlabas na itsura’y walang silbi
Kung maitim naman ang budhi
Walang binatbat ang pekeng anyo
Sa malinis na kaluluwa at bukal na puso.

Random PoetryWhere stories live. Discover now