*L*

35 9 0
                                    

“Labis”

Hindi ko mawari kung paano
Ngunit alam kong nahulog na nga ako sa iyo
Salamat sa pagsalo mo
Akala ko masasaktan ako.

Labis ang sayang nadarama
Sa mga bisig mo, ayoko nang kumawala
Lahat ay ibinigay ko na
Akala ko nakuntento ka.

Ngunit ano itong nakikita ko?
Ibang kamay ang hinahawakan mo
Ibang labi ang hinahalikan mo
Ang sakit, kasi hindi ako.

Labis na sakit ang nararamdaman
Ngayon ko lang ito naranasan
Labis-labis na paghihinagpis
Ang kapalit ng pag-ibig ng labis.

Tulad nga ng sabi nila
Lahat ng labis, nakakasama
Kaya huwag magmahal nang sobra-sobra
Kung gusto mong sa sarili mo, mayroon pang matira.

Random PoetryWhere stories live. Discover now