RPLL: 29

19 4 0
                                    

“Pakawalan”

Ayoko, ayokong talikuran ka pero pinilit ko

Naglalakad palayo nang labag sa loob ko

Umaasang pipigilan mo ako, hahabulin mo

Pero habang mas lumalayo, naglalaho ang pag-asa ko.

Bawat hakbang ko, nanghihina ako

Parang tumitigil ang tibok ng puso

Pinupunasan ang mga luhang patuloy sa pagtulo

Gano’n na lang pala kadali sa ‘yo ang pakawalan ako.

Random PoetryWhere stories live. Discover now