*P*

28 9 1
                                    

“Pinilit Ko Naman”

Pinilit ko naman ang kalimutan ka
Ang hirap, hindi ko pa rin magawa
Parang may pumipigil sa akin
Na sa isip ko ika’y burahin.

Apat na taon na ang nakalipas
Bakit ‘di pa rin ako makaalpas
Tila naging tatak na talaga
Permanente kaya hindi mabura-bura.

Hindi na ako natutuwa
Palagi na lang kasi kitang naaalala
Sa isip ko, sumusulpot ka bigla
Sa panaginip ko, nanggugulo ka pa.

Naalala ko kung paano ito nagsimula
Unang beses pa lang kitang nakita
Kakisigan ng mukha mo ang agad kong napuna
At mas lalong nahuhulog dahil sa ngiti mong kakaiba.

Hahayaan ko na lang na manatili ito
Bahala na kung lumago
Kasi pilit ko mang alisin ka sa aking sistema
Mas lalo lang lumalala.

Random PoetryWhere stories live. Discover now