Prologue

24.6K 283 36
                                    

DISCLAIMER:

SPG
THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE STRONG PARENTAL GUIDANCE IS ADVICE. R-18.

---

Sa mura kong edad, napagtanto kong iba ako sa ibang bata. Maraming nangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag.

Marami akong nararamdaman na hindi ko alam kung nararanasan rin ba ng iba.

Nagsimula ito nang tumuntong ako sa edad na 6 na taong gulang.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos para itong parusa at bangungot kung maituturing para sa akin.

Isang araw, isang nakakabiglang pangyayari sa aking buhay ang naging rason kung bakit at paano ako humantong sa napaka lagim na araw ng buhay ko.

Papungas pungas akong bumaba sa aming sala dahil puro ingay ang aking naririnig.

"Ayoko na, maghiwalay na tayo!" sigaw ni Mommy at pilit na kinakalas ang pagkakahawak sa kanya ni Daddy

"Putangina mo! Hindi mo pwedeng gawin to sa akin! Papatayin kita!" rinig kong sigaw ni Daddy at pilit na hinihila ang buhok ni Mommy.

Nagsimula na akong matakot kung kaya nakagawa ako ng ingay. Napaiyak ako at tumakbo kay Mommy

"daddy tama na po, wag mo pong saktan si mommy" pakiusap ko rito.

Sinampal naman niya ako na naging dahilan ng pagkakabuwal ko sa aking kinatatayuan.

"Manahimik ka at pumasok ka sa kwarto mo! kung hindi tatamaan ka sa akin!" bulyaw sa akin ng daddy.

Sanay naman na akong makita silang nag aaway ngunit iba ang nakikita ko ngayon.

Umiiyak akong pumasok sa aking kwarto, malamig na simoy ng hangin ang agad na yumakap sa akin.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at nagpatuloy sa pag iyak hanggang sa nakatulog na lamang ako.

Madaling araw na nang magising ako. Bumaba akong muli upang tignan kung sino ang nasa sala.

Nadatnan ko si Mommy na dahan dahan lumalabas sa pinto ng aming bahay.

"Mommy! sama ako sayo please ayoko pong maiwan dito." nagsisimula na naman akong umiyak habang naka hawak sa kamay ng aking ina

Blanko lang ang kanyang ekspresyon nang tignan ako nito

"Sinira mo ang buhay ko! Kaya ngayon magdusa ka! Wag na wag kang magtatangkang magsumbong sa demonyo mong ama dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" nanggagalaiti nitong sabi sa akin at saka umalis na.

Simula noon, lagi na akong umiiyak at mag isa. Palagi rin akong napagbubuntungan ng galit ng aking ama kung kaya't nagagawa nyang saktan ako. Pisikal man o berbal.

Nang tumungtong ako sa paaralan sa aking unang baitang ay hindi ko man lang naranasan magkaroon ng kaibigan.

Ultimo mga guro sa paaralang iyon ay kinukutya at nilalait lait ako. Sa anong dahilan? dahil raw sa aking pang labas na kaanyuan.

Sa tuwing oras ng pagkain ay sa apat na sulok ako ng banyo para kumain.

Naging ganoon ang pang araw araw na buhay ko hanggang sa tumungtong ako ng sekondarya.

Laman ako ng mapagkakatuwaan ng mga tao.

13 taong gulang lamang ako nang una kong matutunan ang pag guhit ng mga linya sa aking pulso/galang galangan (wrist)

Nang minsang nasobrahan ko ang pag guhit dito ay labis na dugo ang aking lumabas dito at kinailangan pa akong sumailalim sa isang operasyon.

Nang mga sandaling iyon ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagkatakot o pandidiri sa aking nakikitang dugo.

Para akong nababaliw sa tuwa dahil sa dugo.

Simula nang mangyari ang aksidenteng iyon ay may doktor na kumakausap sa akin. si Doktora Valdez, Alyssa.

Hindi ko alam kung bakit inuutusan nya akong ikwento ang mga nangyayari sa akin, hindi ko minsan sinubukang bigyan ng impormasyon tungkol sa aking buhay. Sino ba siya para pagkwentuhan ko, hindi ba? Isa lamang syang doktor at wala sa kanyang trabaho ang pag alam sa buhay ko. Pero kahit na magkaganon ay hindi nya ako tinatantanan kahit pa wala syang makuha sa akin



Nasa ika 8 baitang na ako nang may nagpakilala sa akin at nakipagkaibigan. Si Luigi.

Sa paglipas ng panahon ay naging matalik ko syang kaibigan ngunit hindi ko pa rin maalis sa aking sistema ang pagguhit ng mga linya sa aking pulso. Maski magalit si Luigi ay hindi ko sya magawang pakinggan.

Ganoon ako hanggang sa tumungtong ako ng kolehiyo.

Sa pakiwari ko ay hindi na ako magbabago at malulugmok na lamang sa aking sitwasyon ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babae.




"Hi I'm Jema Galanza, I came from Adamson University but my family decided to live here in Quezon City so I needed to transfer in Ateneo. Nice to meet you all." naka ngiting bati nya habang naka titig sa akin

"Hi can I seat beside you?" paalam nya.

Nang tumango ako bilang sagot ay alam kong ito na ang simula ng pagbabago ng aking buhay.

INDENTED (GaWong) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon