EPILOGUE

7.7K 149 47
                                    

DEANNA

January 31, 2018 (4 am)

Alas quatro ng madaling araw ay nagising ako sa sobrang sakit ng ulo at bigat ng pakiramdam ko.

Ilang segundo akong tumitig sa kisame ng aking kwarto bago unti unting nagproseso sa aking isipan ang nangyari sa amin kagabi.

"Bangon ka na, Deanna." Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa pinto.

Mapait akong ngumiti sa taong naglalakad na papalapit sa akin. "How are you feeling?" tanong nito.

"Okay lang. Never been better. Ikaw Luigi kamusta?" tanong ko pabalik sa kanya.

Umupo ito sa gilid ng aking kama. "Mind sharing yours first?" Pumikit ito at ginawang unan ang dalawang kamay nya

Tumango ako at yumuko. "She left me, already." mahinang sabi ko dito.

"Hmm? What happened?" balik tanong nito at nanatili sa kanyang pwesto.

"Nakakapagod kasi, mahal na mahal ko sya at alam kong alam mo yun. Sadyang hindi lang umaayon yung tadhana sa akin. I miss her somehow. I'm tired but I didn't say that I no longer want her and what's ours. Ilang araw na kaming ganito. Yung parang kuntento na kami sa pag uusap ng isang tanong isang sagot." noong una ay hindi ko pa nararamdaman ang pag luha ko ngayon ay tila ba tagos sa buto ito.

Pinunasan ko ito at saka huminga ng malalim.

"Kung hindi ka rin naman mapupunta sa akin ay papatayin na lang kita!" Bulyaw sa akin ni Luigi kaya ang kaninang lungkot ay napalitan ng takot.

Natatakot ako sa tono ng boses nito at sa itsura nyang para bang kayang kaya nya akong patayin.

Unti unting lumapit sa akin habang may hawak na balisong at ako ay napatayo na

Hanggang sa nakarating na kami sa veranda ng aking kwarto at napasigaw na ako

"Waaaaag!"

Napaigtad ako nang magising ako. Butil butil ng pawis ang tumatagaktak muna sa aking noo.

Minabuti kong tignan ang kalendaryo sa aking dingding at totoo ngang Enero 31, 2018 na.

Napaiyak na lamang ako nang maalala ko ang panaginip kong iyon.

Baka yun ang simbolong ibinigay ng Diyos sa akin.

Na lahat ng tao ay posibleng saktan ako, na lahat ng tao sa paligid ko ay may kakayahang saktan ako, kailangan ko lamang pumili kung sino ang 'worth suffering for'

Nang mahimasmasan ako ay dali dali kong kinuha ang aking telepono at sinipat ito.

Jema Galanza •Online

Type a message here|

Good morning, baby!
✔sent
✔seen 4:45 am

Typing...

Let's break up.

Bahagyang natigilan ako sa nabasa ko. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ng langit at lupa.

Nag unahan sa pag agos ang mga luha ko. Gusto kong patigilin ang oras dahil sa sakit na aking nadarama, nanghihina man ay pinilit kong bumangon at mag ayos.

Hindi ko ginamit ang sasakyan ko sa pagpasok. Ni halos wala akong pakielam sa itsura ko, nilakad ko mula sa aming bahay patungo sa Ateneo.

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now