21

6.5K 127 13
                                    

JEMA

"I can't believe you! Gracious God! You really said it Jema? And letche ka, kaya naiinis yung tao sayo inartehan mo pa eh!" bulyaw sa akin ni Ria

"Eh kasi naman. She's too cute talaga Chars. I swear!" para bang baliw akong nakangiti sa labas ng bintana habang magkausap kami ng kaibigan ko

"So anong sinabi ni bebe Deanns when you told her you love her?" nakangiti sa akin si Ria kaya natawa ako

"Wala. Nakita ko lang syang ngumiti at saka nauna syang nagconfess diba? Nakakaloka to oh!" bulyaw ko kay Ria, humarap ako sa kanya at hinampas sya

“So Mareng J, what's your plan?” tila ba napakaseryoso ng mukha nito kahit pa kumakain sya ng pagkain na nasa isang lalagyan

“Hindi ko talaga alam Chars, mababaliw na ako. Knowing Deanna, hindi yun kikilos. Alam mo naman diba? Takot na takot pa rin yun sa mga tao.” malungkot na sabi ko at napa sandal na lang sa inuupuan ko

“Alam mo, mars para kang tanga. Nanggaling na nga sayo eh. Si Deanna takot sa tao. Malamang sa malamang, ikaw ang kailangang mag aya sa inyong dalawa. Ayain mo syang magdate under the stars ganern! Well, kung di mo gagawin yun mare bahala ka sa buhay mo. Mahiya ka naman sa sinabi mo nung unang kita mo sa kanya na She's mine. Insert the date na nagkita kayo sa room psh!” mahabang reklamo nito sa akin.

Naririndi ako sa boses nya pero ayos lang dahil nagpahatid na ako ng imbitasyon kay Deanna sa telepono at sobra ang tuwa ko nang pumayag ito.

Nagpatulong ako kay Chars magluto dahil hindi nya ako masasamahan sa gusto kong lugar na pag ganapan ng sorpresa ko

Sa huli, napagpasyahan kong sa hardin na lamang ng aming bahay idaos ang "date" namin.

Wala ngayon ang mga magulang at mga kapatid ko dahil may kanya kanya silang lakad.

Sina Mama at Papa ay kinailangang dumalo sa isang seminaryo na tatagal ng limang araw. Habang ang mga ate ko ay nagkaroon ng kanya kanyang mga lakad o bakasyon na hindi tatagal ng isang linggo.


Bale ako at si ate Emmy na lang ang natira dito sa bahay namin. Idagdag na rin si Ria na dito daw muna sa amin tutuloy.

Nang matapos kami sa paghahanda ng hardin at mga pagkain para mamaya ay tinulak tulak ako ni Ria para sunduin si Deanna

“Dali sakay na! Sunduin mo na si Deanna 'ambebe' Wong” kinikilig na sabi nito habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan ko

“Alam mo Chars, lapit na akong magselos sa ginagawa mo. Parang mas excited ka pang makita si Boss D ko ah!” Natatawang sabi ko sa kanya at umiling iling

“Hoy Jessica Galanza! Tigilan mo nga ako. Well, maganda naman talaga kasi si Deanna pero haller! Hindi ako pumapatol sa betlalu ng kaibigan ko. Kaya kung ako sayo gogora na ako sa bahay ng love of my life ko para sunduin at idate sya sa hinanda ko para sa kanya, para mamaya mag star gazing na kami. Pero dahil ikaw ang dapat na gumawa ng mga sinabi ko paandarin mo na ang sasakyan mo!” mahabang sabi nito kaya tinakpan ko ang tenga ko

“Ang ingay mo, Chars. Yawa ka!” huling sabi ko dito at saka tinaas ang bintana at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay nina Deanna

Nang makarating ako ay agad ko syang natanaw, naka sandal ito sa pader sa tabi ng kanilang gate. Nakapikit ito kung kaya alam kong hindi nya alam na ako na ang dumating

Dali dali akong bumaba at lumapit sa kanya. Tinapik kong bahagya ang pisngi nya “Boss D.” mahinang tawag ko dito.


Nakita ko ang pag mulat ng mga mata nya at doon una ko syang nasilayang ngumiti “Hi Batman's wife.” mahinang bati nya sa akin

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now