8

7.3K 136 5
                                    

DEANNA

Matapos ang naging masayang salo salo ng aming pamilya ay pumunta kami sa kung saan.




si Jema lang ang kasama ko dahil magpapahinga na daw sina Mama at Papa kasama ang mga tinuturing kong kapatid.




Hindi naman ako nagtanong kung saan kami pupunta dahil natatakot pa rin akong magsalita.



Kahit kanina na kumakain kami ay tikom ang bibig ko. Natatakot ako na baka pag buka ng bibig ko ay may mali akong masabi at ayawan nila akong lahat.




Masayang masaya ang mukha ni Jema habang nagmamaneho at paminsan minsan ay lumilingon pa sya sa akin


“If life is a movie, you're the best part.” kasalukuyan nyang sinasabayan ang tugtog sa stereo.



Alam ko ang kantang iyon pero napakaganda ng kanyang tinig kaya pinakikinggan ko na lamang sya.

Best part ang pamagat ng kantang inaawit nya. Kanta iyon ng isa sa mga kilalang mang aawit sa ibang bansa. Si Daniel Caesar




“Deanns? thank you ah! Akala ko kanina ayaw mo silang makilala pero hindi pala.” pansin ko ang pag ngiti nya kahit diretsyo lang ang tingin nya


Hindi ako umimik dahil hindi ko naman alam kung ano bang sasabihin ko.

“Ipapakilala kita sa pinaka magandang nilalang sa mundo. Syempre maliban sa akin!” natatawang sabi nya habang nagtatanggal ng seatbelt nya.

Bumaba na sya at ganun din ang ginawa ko.


Nagulat ako nang makita ko kung nasaan kami.




“My ate died nung medyo bata pa ako. Siya yung ipapakilala ko sayo.” paliwanag nya agad dahil nakita nya ang naging sunod sunod na paglunok ko.



Naglakad lamang kami ng kaunti at saka tumigil sa isang himlayan. Naupo kami sa tapat nito kahit pa damo lang ang inuupuan namin.

“Hi ate! Dala dala ko na yung pinagkwentuhan namin ni Mama. Deanna si ate, ate si Deanna. Ganda nya noh? Wala na beauty natin kinabog na nya!” natatawang sabi ni Jema at hinaplos haplos ang lapida ng kanyang ate.



Ngumiti lang ako at tumingala sa langit.

Hello ate! Kung nakikita mo man po ako ngayon pasensya na po kung napakatahimik kong tao at madalas ay mas gusto kong mag isa. Hayaan nyo po susubukan ko pong magsalita kahit paunti unti. Hindi ko po ipapangakong hindi masasaktan kapatid mo ay gagawin ko na lang po.

“J-Jema? thank y-you.” nanatili akong nakapikit ngunit hindi na naka tingala.

“Hmm? you're welcome kahit di ko alam bakit sakin ka nagte-thank you.” hindi ko man sya nakikita ay alam kong bahagya syang tumawa at naka ngiti.


“I dont have a mother figure since 5 or 6 years old. Palagi kasi silang nag aaway ni Daddy kaya umalis na lang sya.” kahit napakahirap para sa akin ang alalahanin pa ang lahat ng mga nangyari ay sinusubukan ko para kahit papaano ay maramdaman nya na gusto ko ring gumaling.


Gusto ko nga ba? Hindi ko na alam, nasanay na kasi ako sa nararamdaman kong bigat sa loob ko kaya baka hindi ko na alam ang susunod kong gagawin kapag mawala ito.




“Alam mo ba kung nasaan na sya?” bakas man sa boses nya ang pagkagulat ay nangibabaw naman ang pag aalala.



“Hindi. Hindi ko na yata gustong makita ang kaisa isang taong dapat sana kakampi ko sa lahat.” mapait akong natawa sa naalala ko.


Family day noon sa aking eskwelahan at lahat ng nasa paligid ko ay masayang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang pero iba ako, alam kong iba ako sa kanila dahil mag isa lang ako sa lahat ng bagay.


Napa lingon ako sa kaklase ko dahil umiiyak sya. Agad naman syang pinuntahan ng kanyang nanay


Narinig ko ang usapan nila at kasabay noon ay napagtanto kong wala na nga talaga akong kakampi.


“Mama inaaway ako ni Papa.” umiiyak na sumbong ng kaklase ko sa kanyang ina


Niyakap naman sya ng kanyang ina “Aba, nako nako. Halika awayin natin si Papa dali.” matapang na sabi ng kanyang ina ngunit kalmado ang mukha nito.


“Aawayin mo din po si Papa, mama?” nagtatakang tanong nya sa kanyang ina


“Oo naman, ako ang kakampi mo dahil ako ang nanay mo. Lahat ng nanay ang kakampi ng mga anak nila. Kami ang version ng Darna o Superwoman.” nakangiting paliwanag nito.

Pero bakit ganun? Bakit ako, wala akong Mama na kasama at kasangga ko sana sa lahat. Ibig bang sabihin nun ay wala na rin akong kakampi?



“Deanns? Tumawag na si Luigi. Nasa bahay na raw sya. Halika na, sa susunod na lang ulit natin kausapin si Ate.” pag tawag ni Jema sa atensyon ko at iniabot pa ang kanyang kamay pero umiling ako at tumayong mag isa


“Kaya ko. Kaya kong mag isa.” matabang na sabi ko at saka naglakad papalayo sa kanya.


Nasasaktan ako sa mga naaalala ko. Maniwala man sa hindi, hindi ako galit sa kanya o sa kahit na sino.




Galit lang ako sa sarili ko dahil hinayaan ko silang abusuhin ako. Hinayaan ko silang saktan ako kahit na alam ko namang may magagawa ako pwera lang sa parte kung saan binababoy ako ng paulit ulit.



Talo ako doon dahil wala na, matagal nang wala.



Ninakaw na nila ang kainosentehan ko. At wala akong magawa kundi ang umiyak nang paulit ulit.




Nakarating kami sa bahay ng mga Galanza at agad akong nagpaalam na.


Sa hindi ko malamang rason ay pakiramdam ko ayoko na namang sumugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Tulad nila, tulad ng sinabi nilang pwede ko silang maging pamilya.



Kung si Mommy na syang nagluwal sa akin ay nagawa akong iwan sila pa ba na hindi ko naman kaano ano.


“Thank you, Igi. Good night.” Hinatid ako ni Luigi hanggang sa aking kwarto dahil nakita naming nasa taas at nagpapahangin ang mag ama.




Nakita ko sa bintana ang pag-alis ni Luigi kaya kinandado ko na iyon pati na rin ang aking pinto.


Humiga ako sa kama kahit pa binabalot ako ng matinding takot.



“Wag po kuya! Tama na!” naririnig ko ang pag sigaw ng batang babae na nasa edad labing tatlo.


Napayakap ako sa sarili ko. Bakit ganito? Gustuhin ko mang kalimutan na ay naaalala ko pa rin.



Hindi ko namalayang napapikit na pala ako dahil sa aking pag iyak. Sa araw araw na ginawa ng Diyos bakit paulit ulit ko na lang kailangang pag daanan ito?

13 gulang ako noon, nasa ika pitong baitang ako. Pumara ako ng isang taxi dahil walang maghahatid sa akin papunta sa aking paraalan.


Ngayon ang inihandang pagdiriwang ng kaarawan ni Kristo. Hindi naman talaga ako sana pupunta kung hindi lang dahil sa aking report card na ngayon din ang bigayan.

“Saan ka, hija?” paulit ulit ang pag tatanong sa akin ng driver at paulit ulit ko nang sinasabi ang pangalan ng aking eskwelahan.

Ilang minuto pa ang lumipas...

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now