16

6.3K 132 9
                                    

JEMA

Isang gabi ay sobrang nahihirapan akong huminga sobra sobra na ang pag tibok ng puso ko at sa hindi magandang paraan pa.

Kinapa ko sa aking gilid ang aking telepono at agad sinipat ang numero ng taong makakatulong sa akin

Ma-ma.” tila ba naghahabol ako ng hininga

“Jessica! Nasaan ka? Nandyan ba si Deanna? Anak? Sumagot ka!” batid kong kinakabahan at nag aalala ang aking ina pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang tawagan si Mama.

“M-ma, nasaan a-ang gamot k-ko?” iniba ko ang usapan para maiwaglit ang pag aalala nya

“Anak, kaya mo na ba? I mean anak umuwi ka na lang parang awa mo na.” Malungkot ang boses nito pero mas magiging malungkot ito kapag nasa bahay ako at nag aalala sa babaeng minamahal ko.

“Mama, I'm fine. Just tell me po where my meds is.” Sinubukan kong huminga ng malalim at kumbinsihin si Mama na ayos lang ako.

Narinig kong bumuntong hininga na lang sya “Umiibig ka na nga, anak. Pero dahan dahan lang okay? I love Deanna for you but I still want you to be fine while you're happy. Is that clear, anak? Your medicines is inside your bag pack. Do you still need anything?” naging sunod sunod ang tanong at mga paalala ng aking ina kaya napangiti ako.

Ni minsan ay hindi talaga nya kami pinabayaan.

“Opo ma. I'll take note of those things po. Wala na po akong kailangan ma. I miss you and our home already. I love you all!” naluluha ako pero pinilit kong labanan iyon.

At nagpaalam na si Mama sa akin, agad kong kinuha ang mga gamot ko at sunod sunod na ininom ang mga iyon.


Lumabas ako ng kwarto ko at nagpunta sa dalampasigan

Humiga ako sa buhanginan at pumikit. Kinakausap ko Siya



God, Lord, nais ko pa pong tumagal. Nais ko pa pong makasama ang mga taong mahal ko. Sana po bigyan nyo pa ako ng mahabang panahon para ilagi ang buhay ko nang masaya at malusog ang buong pamilya ko thank you po. Amen.


“You know what J, bilib din ako sayo. You still trust Him.” sambit ng boses na nasa tabi ko


Nilingon ko ito at saka ngumiti ako sa kanya “Boss D, napakaraming rason bakit dapat maniwala sa Kanya. Hindi naman porket madaming problema hindi ka na maniniwala sa kakayahan nya. All the impossible things can be possible lalo na kapag nanalig ka.” seryosong sabi ko at ibinaling ang tingin ko sa dagat.


Patuloy ang paghampas ng alon sa paanan namin.



Hindi ko man nakita ay alam kong tumango tango ito.


“Masama ba akong tao kung sasabihin kong after all that happened to me, I've lost my faith? kasi J, ang hirap para sa akin ng lahat.” malungkot ang tinig nito.


“Wala ka namang kasalanan. I know deep down in your heart, may puwang pa ang Diyos sa puso mo. And if you dont believe in Him anymore? Naiintindihan ko. I may not experienced everything that happened to you but trust me when I say I understand you because I really do. Sa totoo nga, whenever I look into your eyes ang daming sinasabi ng mga mata mo at kahit wala akong makuhang kahit na ano, ramdam kong hindi mo kailangan ng taong huhusgahan at ibababa ka, kundi ng taong iintindihin ka at sasamahan ka kahit anong mangyari yun.” mahabang paliwanag ko

“Bakit ka nga pala hindi pa natutulog? hatinggabi na.” dugtong ko


Umiling naman sya “Ang hirap matulog lalo na't ang mga masamang panaginip mo ang yayakap sayo pag pikit ng mga mata mo. Ang hirap matulog lalo na't mga mukha nila ang magsisilbing ilaw para makaaninag ka. Tanging mga mukha lang nila ang nasa panaginip ko, J. Ang hirap.” Nilingon ko sya at doon nakita ko ang pagyugyog ng kanyang balikat



Lumapit ako sa kanya at humarap. “Hindi bat sinabi ko sayong hindi mo naman kailangan mag isa? Nandito ako, si Luigi, ang pamilya ko na pamilya mo na rin.” hindi ko maiwasang malungkot dahil kahit pa nandito kami ay pakiramdam nya pa rin, mag isa sya





“Hindi, hindi mo ako naiintindihan. Hindi nyo ako kailanman maiintindihan. At ang sakit dahil yun ang totoo.” patuloy ang pag daloy ng mga luha naming dalawa.


“Edi ipaintindi mo sa akin! Sa aming lahat! Deanna, tangina naman! Hindi ako manghuhula na kayang hulaan lahat ng nangyayari at nararamdaman mo. Tao lang din ako, tao lang din ako na napapagod.” Tumayo ako at dumistansya sa kanya


“Bakit hindi Jema? kung kaya ko naman bakit hindi? Sige nga, bakit hindi? Kung naiinis ka na o napapagod ka na, kayo, kayong lahat! Bakit hindi nyo na lang ako iwanan? Tangina sana hinayaan nyo na lang ako! Sana hindi na lang kayo lumapit at dumikit dikit sa akin kung ayaw nyo naman palang manatili sa buhay ko! Pare pareho lang kayo. Iiwan nyo lang din naman pala ako sana hindi na lang kayo lumapit una pa lang.” At pagtapos nyang sabihin ang lahat ng yun ay nawala na sya na parang bula.



Kinaumagahan ay wala na sya sa bahay na tinitirahan namin.



Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kama ko habang sapo ang aking kaliwang dibdib.



Ang hirap hirap huminga, nag aalala ako dahil baka kung napano na sya at kung saan na sya nagpunta.



Napagpasyahan kong umuwi na sa amin at agad naman akong nakarating.


Halos tatlong araw lang kaming nawala ni Deanna at wala pa akong alam tungkol sa nangyari sa kanya. Isang beses lamang din sya nakipag usap sa akin at nagtalo pa kami.




Gabi na nang makarating ako sa bahay namin at mukhang alam na nila dahil napakatahimik lang ng lahat.




Nang oras na ng pagtulog ay nakatulala lamang ako sa kisame.



Napagtanto kong kaya siguro napakaraming tao ang pinipiling tumingala na lang sa kisame dahil totoo ngang nakaka pagpakalma ito ng mga tao at panandaliang nawawala ang mga problema dahil blanko lang ang nakikita.



Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa bukod sa wala akong balita sa kanya ay natatakot rin akong baka galit sya sa akin.



Boss D, nasaan ka na ba?

INDENTED (GaWong) EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora