27

6.2K 120 7
                                    

[A/N: Last POV ni Jema]

JEMA

Ito na ang huli. Araw ngayon ng Pasko, at pangalawang pasko na ito na pagsasamahan namin ni Deanna.




“Mga anak, halina kayo at lumabas na dali!” sigaw ng aking Ina mula sa itaas.


Kasalukuyang nasa kwarto ko kami at nagpapahinga.



“Ma! Mamaya na lang po kami bababa 10 pm pa lang naman po eh!” pag dadahilan ko

Bukod doon ay mas gusto lang talaga namin magkasama muna. Dahil ako, hindi ko alam kung hanggang kailan pa. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin.


Hindi alam ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Deanna. Maliban sa mga pinsan ko at mga kaibigang pinagkakatiwalaan ko.



Ito ang unang beses na pinili kong maglihim sa mga magulang ko. Batid kong alam nila ang pagkatao ko ngunit hindi ko alam kung kaya ba nilang tanggapin ang taong ginusto ng puso ko.





“Mal, sa dinami dami bat ako?” ipinatong ni Deanna ang kanyang pisngi sa kanyang mga braso.


Isa iyong palatastas ng sikat na love team. KathNiel. Sa pagkakatanda ko ay sa isang palatastas ito patungkol sa isang kape. Nescafe



“Bal yun hindi mal. Magkaiba yun baby.” Natatawang sagot ko pero tila nalukot ang mukha nito




“Joke lang hehe, ikaw naman, masyado kang matampuhin. Syempre hindi ko alam. Nung minahal kita wala namang rason yun. Basta isang araw pag gising ko I just wanted you to be safe, warm, cozy and home. Gusto kong maranasan mong mahalin ka at magmahal kang muli. Ganun naman dapat aegi, Kahit paulit-ulit mong nararanasan ang pag tanggi sayo o pag balewala sa ipinararamdam mo sa iba dapat magpatuloy ka pa rin. No one can live without love. Live has four letters and so as Love. Gets mo ba ako by?” nakipaglaban ako sa mga mata niyang nangungusap.



Animo'y isa itong kumunoy na kapag itinapak mo ang kahit na isang paa mo lamang ay buong pagkatao mo ay sisisid doon.




“I got you and your point. What would I do without you baby? I love you.” Tila pabulong na sagot nito





Natutunan ko na sa ilang buwan naming magkasama na kahit gaano kahaba mo nang kilala si Deanna ay hindi pa rin niya kayang isalita ang mga talata na nasa kanyang isipan.






“Kinikilig ako by wag ka nga. You seldom speak about what you feel towards me.” Pakiramdam ko ay kasimpula na ako ng kamatis dahil sa kilig na aking nadarama.





“I'm sorry mahal. I'm sorry for being the worst.” At doon ay bigla na lamang syang nalungkot.


“Shh. Dont say that, sorry. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Ang nais kong malaman mo ay masaya ako dahil narinig ko kung gaano mo ako mahal.” Pag aalo ko dito.




Bahagya ko itong hinalikan sa pisngi at sakto namang nakarinig kami ng katok mula sa kabilang banda ng pintuan.





“Jema, Deanna, halina kayo. Baba na dali at magsisimula na ang selebrasyon natin.” boses iyon ni mama




“Opo ma teka lang!” sigaw kong pabalik at saka nagmamadaling tumayo upang alalayan si Deanna na makatayo mula sa higaan.



Sabay kaming bumaba. Nabigla ako sa dami ng tao. Naroon ang aming mga kamag anak sa parehong magulang ko.



Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ng taong nakakapit sa laylayan ng aking damit sa likuran.



Ngayon na lamang siya muling natakot ng ganito at dahil pa iyon sa akin.



“Jema! Hija, napakaganda mo na! May nobyo ka na ba?” Lumapit sa akin ang isang tiyahin ko na siyang pinsan ng aking ina.




Tabingi ang naging ngiti ko sa mga oras na iyon. “Tita.” Niyakap ko ito.




Nang makabitaw ay agad kong hinawakan ang mga kamay ni Deanna na ngayon ay nakayuko na naman.




“Wala ho akong nobyo.” Tipid na sagot ko dito



“Aba, eh bakit naman wala? Keganda ganda mong bata ka. Wag ka kasing masyadong pihikan sa lalaki. Yan na nga ba ang sinasabi ko sa Mama mo rin, hindi ka kasi nya hinahayaang magkaroon ng kasintahan pang muli dahil dyan sa kund—” Naputol ang pagsasalita nya dahil ako na mismo ang sumagot



“Tita, mamaya po ay masasagot ang mga katanungan mo.” ngumiti na lamang akong muli at saka nagpaalam na aalis na muna kami ng kasama ko.






Agad ko itong hinila papunta sa aming bakuran.






Inalalayan ko itong umupo. Rinig namin ay hiyawan mula sa loob kaya bahagya akong napasinghal.



“Deanna, pasensya ka na. Hindi ko masabi sa lahat ang tungkol sa atin. Humahanap pa ako ng tiyempo.” Batid ko ang kalungkutang naramdaman nya nung hindi ko sya naipakilala sa aking tiyahin kanina sa loob.




“Okay lang. Wala ding nakakaalam sa kahit na sino sa pamilya ko diba? At isa pa, hindi kita minamadali. Sabi mo nga noon, mahirap kalabanin ang magulang— , ang pamilya.” Ngumiti ito ng bahagya at kinilabutan ako sa mga mata n'ya



Napakaraming gustong ipahiwatig ang iyon ngunit magpasa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung ano ito.






“Iba yung noon sa ngayon. Noon mahal, hindi ako sigurado sayo, sa nararamdaman ko, sa ating relasyon ngunit ngayon, kahit pa palayasin ako nila ay hindi ako magdadalawang isip na piliin ka. Pero alam kong masyado nila tayong mahal para gawin ang bagay na yun.” Paliwanag ko dito.



Natutunan kong minsan, hindi lahat ng inuutos sa atin ng mga magulang natin ay dapat sundin lalo na kung labag na sa ating kalooban ang bagay na iyon at alam natin kung ano ang tama at mali.



Alam kong para sa iba ay mali ang nararamdaman namin at kung ano man ang meron kami ngunit hindi na muna sila ang kailangang dinggin.




Mas dapat dinggin ang tibok ng aming mga puso. Wala kaming tinapakang tao, hindi kami nang aragabyado o pumatay. Sa tingin ko ay kahit pa mali ito sa iba, tanggap kami ng Siyang gumawa sa ating lahat.




Napa tingin ako sa taong kasama ko ngayon. “Have I told you how lucky I am to have you?” biglang bulalas ko


“Not yet. Why so sudden? Kinakabahan ako sayo.” bakas sa mukha nito ang pagkatakot

Patawarin mo ako, Deanna.



“Well now, I am telling you. I am the luckiest person alive because I have you!” Nakangiting sabi ko at saka hinawakan ang kamay niya.




Suot namin ang magkaparehong singsing na syang ibinigay nya sa akin. Tanda ng pagmamahalan naming dalawa at pangakong siya lamang ang pakakasalan ko at ako lamang ang pakakasalan niya.




[A/N: And I'm back, Wala ng wifi huhu. Baka nemen charot— So ayun, hingi naman ng suggestion.  Anong magandang wifi na pwedeng ipaconnect? and magkano? Kasi naman, ipinatanggal na yung amin pero matigas ulo ko magpapaconnect ako pero ako magbabayad monthly. Please comment down your suggestions. Tyia!]

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now