29

6.4K 113 8
                                    

DEANNA

Sa bawat araw na lumilipas ay naging madalang na ang naging pagkikita at pag uusap namin. At sa tingin ko ay normal lang naman iyon.

Hindi naman dapat na umikot ang buhay namin sa isa't isa kahit pa sigurado na kami sa aming nararamdaman.


Masasabi kong kahit sa paningin ng iba ay hindi normal ang relasyon namin ay para sa akin at sakanya normal iyon.

Dahil katulad lang din naman kami ng ibang tao na nagmamahal, nag aaway at nagbabati.

Nagkakaroon ng selebrasyon sa tuwing sasapit ang ika 12 at ika 13 ng bawat buwan.

Flashback

Taong 2016 buwan ng Oktubre at ika-31 araw noong naging kami ni Jema.

At ngayon ay Oktubre 30, 2016 ngunit wala pa kaming isang buwan ay nagkaroon na kami ng problema

“Bakit hindi mo sinabi na si Luigi lang pala yun? Pinagselos mo pa ako” Bulalas nito

“Sorry.” iyon lamang ang tangi kong nasabi

“Sorry Deanns, Let's break up. Sorry.” malungkot na sabi nito.

Ramdam ko ang bawat kirot mula sa aking puso. Ni hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang pigilan

Sandali akong natahimik ngunit nang bumalik ako sa wisyo ay agad akong nagsalita,“okay lang Jema. Naiintindihan ko, wag ka mag alala hindi naman ako galit. Be happy.” sinubukan kong pasiyahin ang boses ko. Kasalukuyan kaming nag uusap sa telepono lamang.


“I guess this is really it. Bye?” tanong nito at tumango ako kahit pa hindi nya ako nakikita

Agad kong ibinaba ang tawag at doon ako tahimik na napaiyak.



Matapos no'n ay sinubukan kong mabuhay gaya ng dati. Yung mga panahong wala pa sya, yung mga panahong kahit pa tangkain kong kilitin ang sarili kong buhay ay ayos lang dahil wala naman na akong maiiwan.

Ngunit sobrang hirap. Gabi gabi ay umiiyak ako at naghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungan na tulad ng “Saan ba ako nagkulang?” o “Kailan ba ako magiging sapat para sa ibang tao?” o “hanggang kailan ko matitiis na maging mag isa?”

Sa tuwing nasa paaralan kami ay ako na ang umiiwas. Palagi na lang akong mag isa dahil hindi naman akong masasamahang muli ni Luigi dahil naniniwala pa rin akong may sarili syang buhay at hindi na ako dapat pang pagtuunan nya ng pansin.



Sa tuwing magkakasalubong kami ni Jema ay agad akong iiwas at lilihis ng daan papunta sa banyo at doon ko ikinukulong ang sarili ko.

Hanggang sa umabot na ng isang linggo mahigit.

November 12, 2016

Pauwi na ako sa bahay nang may humigit sa aking braso.

“Jema...” malungkot na saad ko. Sa isang linggo mahigit na iyon ay pakiramdam ko hindi pa rin ako makauwi.

“Deanna, Let's talk please? Ayaw mo na ba sa akin? Maiintindihan ko kung galit ka sakin sa ginawa kong pang iiwan sayo. Pero sana pakinggan mo pa rin ako.” Nagsimula itong lumuha na animo'y isang batang inagawan ng lollipop.


“Mahal kita. When we broke up napagtanto kong mahal kita. Sobrang mahal kita. I tried to talk to other people pero may kulang, palaging may kulang. Sabi ko sa sarili ko, Iba pa rin talaga pag si Deanna ang kausap ko. I feel home.” Dugtong nito habang nakakapit sa mga kamay ko

“I'm sorry for letting you go. But now, I am asking you again to be my girlfriend.” nagsusumamo ito sa akin kaya napaiyak ako

“Pag iisipan ko muna.” binawi ko ang mga kamay ko at saka inilagay ang aking hintuturo sa aking sentido


Isang minuto lang ang lumipas ay agad akong nagsalita dahil nakayuko ito “Hmm sige na nga. I love you girlfriend.” sambit ko.

Lalo kong narinig na humagulgol ito “Mine! Mine! Mine!” natatawang sabi nya at saka nya ako niyakap at pinupog ng halik

End of flashback

Malungkot akong napatitig sa aking telepono. Halos tatlong araw na kaming hindi nag uusap o kung mag uusap man ay hindi naman ganun katagal.


At ang pinag uusapan lang namin ay kung kumain na ba sya o pagod ba sya o ano. Pagkatapos noon ay wala na, agad na nyang binababa ang tawag dahil pagod raw sya.

Hindi naman sa hindi ko naiintindihan, sadyang nangungulila lamang ako sa kanya.






Kung noong mga naunang araw ay kaya ko pang tiisin ang inis na nararamdaman ko dahil na rin sa pangungulila sa kanya, ngayon ay hindi ko na alam.




Binuksan ko na lamang ang aking social media account.

Jema Galanza
1 minute ago • Friends

—• •—•• — — — —• •
(see translation)

Alone

Sa puntong iyon ay napaluha na lang ako ng wala sa oras. Pakiwari ko'y hindi ako sapat na rason para hindi nya maisip na mag isa sya



Jema Galanza
Just now • Friends

If you love me let me go


At sa puntong iyon ay napag pasyahan ko nang tawagan sya.



Ilang minuto ang lumipas ay sinagot din nya ito

Jema: Hello.
: Hmm, kamusta?
Jema: ayos lang. Bat?
: Wala po, yung ano, yung pinost mo. Ang sakit mabasa sorry. I didnt mean to feel this way.
(Wala man sa plano ay napahikbi na lang ako, hindi pala lahat ng bagay ay kaya kong kimkimin)
Jema: Ah, I'm sorry. Wala na kasi akong maramdaman, hindi ko na alam.
(Doon ay nagsimula na rin syang umiyak. Unti unti akong binabalot ng takot)
: Pati ba sa akin wala ka nang maramdaman?
(Kung paiiralin ko ang takot ko ay wala nang mangyayari sa akin at sa buhay ko)
Jema: Hindi ko alam, hindi ko alam. Please, wag na muna.
: Gusto mo bang bigyan kita ng space?
(patuloy ang pagluha ko at pakiramdam ko ay ano mang sandali, manghihina na ako)
Jema: okay
: Isang buwan, okay na ba yun?
(tanong ko dito)
Jema: sige.


At pagkatapos nyang magsalita ay ibinaba nya ang tawag. Gusto kong takbuhan ang lahat ng nangyayari. Gusto kong umalis at sumigaw dahil baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko o kahit man lang magising ako at sana panaginip lahat ng ito.




Pero tila ba nawalan na ako ng lakas para kumilos ni tumayo sa kinauupuan ko at humiga sa kama.



Pakiramdam ko ay wala na akong lakas para tumakas sa nararamdaman ko, buong gabi ay iniyak ko lahat ng nararamdaman ko at nag na baka sakaling bukas, pag gising ko ay bumalik na lang sa dati ang lahat...

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now