19

6K 132 10
                                    

DEANNA

Nagpatuyo muna ako bago umuwi sa bahay.

Matalim kong tinignan ang pinsan ko. At nang wala ang mga sasakyan sa bahay ay pinagsasampal ko sya


“Hindi ka pa nakuntento sa pang bababoy nyo sa akin ng tatay mo! Ngayon pinagkakalat mo pa ang kababuyan mo? Tao ka ba?!” galit na galit ako sa mga nangyari.


Sinusubukan nyang hulihin ang mga kamay ko pero hindi ako nagpahawak sa kanya “Of course,  kaya nga naikama ka na namin. Ilang beses na nga ba iyon? Nako, hindi ko matandaan. Pasensya na Insan ha?” pang aasar nya

“I dont think tao ka, kayo ng ama mong gago. Kampon kayo ni Satanas! Kung sa tingin mo pang habang buhay nyo akong mahahawakan sa leeg, nagkakamali ka.” huling mga salitang sinabi ko bago ako pumasok na kwarto ko.

At katulad ng mga naunang araw buwan at taon ay malamig na simoy lamang ng hanging ang tanging yumayakap sa akin

Tapang tapangan lamang ang mga sinabi ko kanina. Matagal ko nang tinanggap na hanggang andito sila ay ganito na ang buhay ko.



Sumagi na lamang sa aking isipan ang mga masasamang nangyari.

[All italicized phrases are flashbacks]

Nasa ika dalawang baitang na ako ngayon. Uwian na ngunit hindi pa ako umuwi dahil nagba baka sakaling sunduin ako ng aking ina.

Nasa pinaka dulo ako ng kalye na tapat ng aming paaralan.

Maraming mga ina ang dumadaan bitbit ang mga bag ng kani kanilang mga anak. O kung hindi naman ay mga kotse na nakasakay ang mag ina kasama pa ang nagmamanehong tatay.

Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit ako ay mag isa? Kung bakit ang aking ina ay piniling lisanin ang aming bahay at ang aking ama ay walang pakielam sa akin? Sa akin na syang sariling dugo at laman din?

Napatingala ako at nakita kong may mapagsasabitan ako ng bagay na meron sa ilalim ng aking kama.

Lubid.

Nabigla ako nang marinig ko ang nakakatakot na tinig ng aking ama

“Anong oras na? Bakit hindi ka pa umuuwi?” sunod sunod na tanong nito.

Umupo ito sa aking tabi. Kinabahan akong bigla.

“Nag aantay ako ng sagot Izabella!” maawtoridad nitong saad. Napaiktad ako sa aking pagkakaupo.

“Hinihintay k-ko po si M-mama.” tipid kong sagot.

Agad nya akong hinila papunta sa sasakyan.

Agad kong inilagay ang lubid sa taas.

Nang makababa kami sa sasakyan ay agad nya akong kinaladkad papunta sa kusina

“Hinding hindi na babalik ang nanay mo! Tandaan mo yan!” sigaw nya habang nakasabunot sa aking buhok

Walang tigil ang pag iyak ko.

“Hindi ka mahal ng nanay mo! Hindi nya tayo mahal! Magdusa kang mag isa!” sigaw nito sa akin at tinulak ako sa harap ng mesa na naging dahilan ng pagka ngudngod ko sa sahig.

Kumuha ako ng upuan nang masigurong matibay na ang lubid at kakayanin na ako.



Isinuot ko ito sa aking leeg. At dahan dahan kong itinulak ang upuan.


INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now