26

6.5K 134 8
                                    

[A/N: hellu gals, I decided to focus here sa indented since ilang chapters nalang tapos naman na. Yung nasa media, totoong text yan ni Jema kay Deanna last 2017, September, 2. I edited the picture since name ni Jema yung nakalagay sa phone contacts ni Deanna and yung wall paper ay hindi talaga si Jema. Yung Jema talaga sa totoong buhay yung wall paper so yeah. Madaliang edit lang ginawa ko kaya hindi tugma ang oras na nakalagay sa status bar sa mismong text]





DEANNA



Isang buwan na halos ang lumipas magmula nang tanggapin ko ang pagmamahal na ibinigay sa akin ni Jema na syang sinusuklian ko pa rin hanggang ngayon.





Nalaman ko ring nagkagusto sa akin si Luigi ngunit naipaliwanag ko naman na sa kanya na hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman nya para sa akin.





Nakakatuwa dahil nanatili kaming magkaibigan— matalik na kaibigan.



Ang buhay ko ay patuloy pa rin. Kung ano ito bago dumating si Jema ay ganoon pa rin ito hanggang ngayon.




Ang kinaibahan lang ay unti unting natututunan ko nang wag saktan ang sarili ko at pahalagahan ang bawat sandaling meron ako.




Ni minsan ay hindi ko naramdamang iba ako kay Jema at sa kanyang pamilya.





Isang araw, tinawagan ko ito dahil nalulungkot ako. Mag isa akong nasa kwarto ko at nakatulala lang.





Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya ito sinasagot. Malungkot akong naglabas ng malalim na buntong hininga, tinignan ko na lamang ang screen ng aking telepono at napangiti ako nang makita iyon.



Larawan iyon ni Jema habang naka nguso sa camera.




Nagulat ako nang tumunog ang aking telepono buti ay hindi ko ito nabitawan



[A/N: ito yung nasa media]

*Wife J.

the number you have dialed is so in love with you


Napangiti ako nang mabasa iyon ngunit bigla itong naputol nang marinig kong tumunog ang aking telepono.



Wife J's calling...

📞...............📵


Para akong batang sabik na magsalita ang bago kong manika sa pinaggagagawa ko.





Napag usapan lang namin na magkikita kami sa paaralan mamaya dahil may sinalihan syang isang patimpalak “Science Quiz Bee”



Sinabi nyang kailangan nya ako upang may mapaghugutan sya ng inspirasyon. Hindi muna ako tumuloy doon dahil kinailangan kong magdala ng bala.



Halos nasa kalagitnaan na ng patimpalak nang makarating ako. Kasalukuyang nagsusulat ng sagot ang mga kalahok at bakas sa mukha ni Jema ang kaba at inililibot nito ang kanyang mga mata.



Bago pa man mahagip ng mga mata nya ako ay inilabas ko na ang isang mahabang puting papel at saka hinawakan ang magkabilang dulo nito.





Nang mapatingin sya sa dako ko ay napangiti ito habang ako ay sumenyas ng “I'm proud of you already! I love you, go aegi!” [A/N: Aegi or Anae, madalas na tawagan nina Deanna at Jema yan kung hindi mahal o baby. Aegi means baby and Anae means wife]





INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now