7

7.8K 176 21
                                    

DEANNA

Nakakatawang isipin na ang isa sa mga bagay na hindi ko minsan naisip gawin ay nagawa ko na.


Hindi mawaglit sa isipan ko ang mga bagay na nangyari sa nakalipas na labing pitong (17) taon ng aking buhay.




Idagdag mo pa na lahat ng nakikita ko sa aking paligid ay may kaugnayan pa rin sa aking malagim na karanasan.





Sa tuwing bababa ako ng sasakyan at ang lumang gate namin ang sasalubong sa akin ay hindi ko maipaliwanag ang sakit sa aking dibdib.




Animo'y may milyong karayom ang itinarak rito para magkaganito ang nararamdaman ko.





Sa sala kapag pasok ko ay imahe ng aking mga magulang ang nakikita ko. Sariwa pa sa aking alala ang mga sigawan at salitang nasaksihan ng aking mga mata




Pinilit kong iwaglit iyon, pero nang madaanan ko ang kwarto nina Mama ay lalong tumindi ang kirot na aking nadarama.




Agad akong pumasok sa loob ng aking silid nang mapansin ko ang dalawang pares ng mga mata na tila ba nagmamasid sa aking likos.

Agad kong kinandado ang aking pinto at saka binuksan ang cctv para naman kung sakaling may mangyaring hindi kanais nais ay malalaman agad ni Luigi.




Para akong masisiraan ng bait dahil napakaraming dugo ang nagkalat sa aking kama. At nakikita ko ang sarili kong walang malay at naliligo sa sariling dugo.






Hindi ako nagkakamali pero iyon ang unang beses na hindi kinaya ng aking katawan ang tuloy tuloy na pagdaloy ng aking dugo mula sa aking pulso





Mumunting mga hikbi ang aking inilabas habang sinasabunutuan ang aking sarili, mga kamay ko'y nasa aking mga tuhod.




Napatingala ako dahil glass naman ang bubong ng aking kwarto.





Bakit sa dinami dami ng tao, bakit ako? bakit mo ako pinarurusahan?


Mali ang magduda at manumbat sa Kanya pero unti unti ko nang nararamdaman na wala na ako sa tamang direksyon— o baka ni hindi ko man lang naranasan makapunta doon ni isang beses.





Nawawala na ang pananalig ko sa Diyos. Hindi ko maiwasang hindi magduda sa kakayahan nya




Kung kaya mong alisin lahat ng peste sa buhay ko bakit hindi mo ginagawa? bakit hinayaan mong dungisan nila ako? bakit hindi ko maramdaman ang presensya mo?

Napakaraming bakit pero wala pa rin akong sagot na makuha kahit gustuhin ko mang malinawagan.


Diyos ka di ba? bakit hindi mo ako magawang bigyan ng napakaraming rason para kumapit sayo? Gusto ko pa pong panghawakan ang pagmamahal at pananalig ko pero sana kahit isa lang ay bigyan nyo sana ako ng rason...

Nabigla ako sa napakabilis ng pangyayari.



Jema's calling...


📞.............📵

              


Napaka misteryosong tao ni Jema dahil hindi ko alam sa kung papaanong paraan nya napapagaan ang loob ko sa pamamagitan ng simpleng pag yakap nya sa akin, sa simpleng pag hawak nya ng bewang at kamay ko, at sa kung papaanong paraan nya ako nakumbinsing pumunta sa lugar na hindi ko naisip na babalikan ko pa.




INDENTED (GaWong) EDITINGOnde histórias criam vida. Descubra agora