24

5.8K 136 20
                                    

[A/N: Ayokong nabigla kayo kaya sasabihin ko na. Hanggang Chapter 30 lang to. Sorry]

DEANNA

Buwan pa ang lumipas matapos ang tagpong iyon. Napakarami kong pinalampas na oportunidad dahil sa takot kong baka hindi ako maging sapat para sa kanya.

Sa loob ng ilang buwang nagdaan ay patuloy ang pagsuyo nya sa akin. Ayoko mang sanayin ang sarili ko ay tila ba kusang nangyayari iyon sa akin.

Hindi ko mawari kung bakit nagiging masaya ako kahit pa patuloy ang kahayupan ng mag ama sa akin.

Nagiging balewala lahat ng sakit na nararamdaman ko kapag nandyan parati si Jema para pasiyahin ako.

Si Luigi ang palagi kong kasama dahil tapos na ang laro at nanalo silang muli.

"Deanna!" nabigla ako sa boses na aking narinig.

Nilingon ko ito at nakita kong si Ria ito, yung kaibigan ni Jema

"Sumama ka sa akin!" tipid na sigaw nya kaya nagulat akong muli at halos hindi ako makagalaw

"T-teka l-lang Ri-a." pautal utal kong sabi dahil natatakot ako.

"Sasabihin ko sayo lahat ng nangyayari kapag sumama ka sa akin! Kailangan ka nga ni Jema! Kailangan ka ng girlfriend mo!" hinarap nya ako at saka hinawakang muli at hinila

Nang makarating kami sa paradahan ng mga sasakyan ay bigla nya akong iniwan.


Nakarinig ako ng boses na nanggagaling kung saan.

Mahal, Pasensya na kung lagi kitang naiisip, habang nakatingin lang ako sa malayo o kaya yung mga oras na nakakatulog ako sa loob ng jeep

Ewan.

Di ko mawari kung bakit hanggang ngayon, ang milya ay tila nagiging mga sentimetro na lamang at ang dating distansyang pumapagitan sa atin ay unti unting kinakain ng maliliit nating salitaan ng mga salitang pag irog.

Limang buwan.

Limang buwan at hanggang ngayon hindi ko pa rin maitalastas ang mga salita o parirala o talata upang maipahayag sayo kung bakit o paano ako nabaliw sayo.

Ngunit kahit magkagulo man ang mga salita na mababanggit mula sa bibig kong nanginginig sa tuwing naririnig ko ang apat na pantig mula sa bibig mo mula sa boses mong niyayakap ako sa lamig, ang puso ko'y mananatiling sayo

Bukas.

Sa susunod na araw.

Mga buwan at mga taon. Dekada o kung sakaling tumigil man ang oras.

Mahal kita.

Alam kong masyado nang nakakaumay, pero oo, totoo.

Palagi.

At kahit sa iba mang mundo, iyan ang palaging sasambitin ng mga labing patuloy na nangangako sa'yo.

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now