23

6.1K 137 16
                                    

JEMA

Sa sandaling iniwan ako ni Deanna sa lugar na iyon ay napagtanto kong hindi nga madali ang pinagdadaanan nya.

“J, ano suko ka na? Isusuko mo na ba yung laban?” malungkot na nakatingin sa akin si Ria habang hinahagod nya ang likod ko

“Who told you? Pinakita nya lang lalo sa akin na I should fight for her. And that's what I'm going to do even it means, risking my life.” determinadong sabi ko

Sa panahong ito, hindi kailangan ni Deanna ng taong susukuan sya. Bagkus, kailangan nya ng taong dadamayan sya ano man ang mangyari.

“Dahan dahan lang, Mareng J. Yung puso mo baka hindi nyan kayanin at baka lumala pa yan. Nako ingatan mo din ang sarili mo ha? Kailangan ka din ng mga taong nasa paligid mo.” Paalala nya sa akin

“Opo, I will. Aba mamaya pag namatay ako ngumawa ka dyan at mamiss mo ako.” pagbibiro ko pero parang hindi nagustuhan ni Ria ang sinabi ko

“Alam mo ewan ko sayo! Nakakainis ka! Tigil tigilan mo nga ang pag bibiro ng ganun. Hindi nakakatuwa eh!” Naiiritang sabi nya

Niyakap ko naman sya mula sa gilid “I love you Chars.” paglalambing ko ngunit hinampas nya ako

“Taena neto! Yuck Jema ha! Hindi tayo talo!” Pabiro nyang sabi kaya tinawanan ko sya

“Uy excuse me Chars, di rin tayo talo!” depensa ko kunwari

Nagtawanan naman kami.

“Chars, if ever mawala ako. Ikaw ha? Bantayan mo si Deanna. Mahal na mahal ko yung babaeng yun kahit ganun sya. The first time my eyes laid on hers. I knew it was her. I've never been this happy Chars. Alam kong alam mo yun.” Nakangiti akong nakatingala sa langit.

Ayos lang naman dahil sa langit naman ako nakatingin at nakahiga kami ni Ria.

“Hmm. Syempre, ngayon ka lang kaya na confine sa bahay nyo na umabot halos isang linggo at dahil kay Boss D yun diba?” tanong nito sa akin

Napangiti ako. Napakasaya ko at halo halo ang nararamdaman ko simula nang makilala ko si Deanna “Meron pa bang iba Chars? Wala na. I've never pictured out myself being in love with other people aside from her.” Masayang sabi ko.

Umiyak ako kanina pero saglit lang yun nang napagtanto kong kailangan nya ng Batman at hindi kryptonite.

“Mare, kung sakali mang malaman mo yung dahilan why Deanna's suffering from those unusual illness, please learn to love her even more.” paalala nito sa akin na para bang may alam sya sa nangyayari kay Deanna.

Mukha namang nabasa nya ang nasa isip ko dahil bigla itong nagsalita. “Nope Jema. I dont know anything. I just understand that she's going through phases that no one will ever understand unless they're in that person's shoes or they love that person so much that they can actually understand the situation. Ang gulo ba Mare? Aba bahala ka dyan. Nakakaloka kaya mag english!” mahabang paliwanag nya at para maging magaan lang ang usapan ay nagbiro pa ito patungkol sa pagsasalita ng wikang Ingles.

“Hay nako Ria. Lokohin mo na lahat wag lang ako. Baka nakakalimutan mong classmates tayo since Junior high?” tanong ko dito.

Sa isang Regional Science High School kami nanggaling ni Ria. Sa katunayan ay tatlo kaming magkakaibigan. Ako, si Ria at si Bettina.

Si Bettina ang mahilig sa mga pampaganda at may nobyo ito ngayon, si Ria naman ang medyo mahilig lang din sa mga pampaganda at may nobya sya noon na umalis na patulak sa New Zealand at simula noon ay wala na sila. Ako naman, mahilig magbasa at magsulat ng mga tula, istorya at mga panaka nakang mga taludtod upang makabuo ng mensaheng gusto kong iparating sa kung sinong tao.

“Alam mo ikwento kaya natin kay Nicole ang love story nyo ni Deanna. For sure, kikiligin yun!” nakangiting suhestyon ni Ria kaya napangiti ako

“Oo ba! Pag nagkaroon ng time pero pag naubos na ang oras ko dito sa mundo, Ikaw na lang ang magsabi sa kanya ha?” Sabi ko dito

“Aba no! Hindi ka pwedeng maubusan ng oras noh. Dami mo kayang relo!” Natatawang biro nya

Napaisip naman ako sa mga nangyari ngayong araw kaya kinuha ko ang isang papel na nasa bag ko

“Chars nagsulat ako ng tula para kay Deanna. Babasahin ko sayo” sabi ko dito

[A/N: Ganun ulit, this poem is given by the person I've loved, I love and will forever love. Please do not steal. If ever you'll repost these poem use JALM as the credit owner]

(Play the song hehe)

Mahal, Pasensya na kung lagi kitang naiisip, habang nakatingin lang ako sa malayo o kaya yung mga oras na nakakatulog ako sa loob ng jeep

Ewan.

Di ko mawari kung bakit hanggang ngayon, ang milya ay tila nagiging mga sentimetro na lamang at ang dating distansyang pumapagitan sa atin ay unti unting kinakain ng maliliit nating salitaan ng mga salitang pag irog.

  Limang buwan.

Limang buwan at hanggang ngayon hindi ko pa rin maitalastas ang mga salita o parirala o talata upang maipahayag sayo kung bakit o paano ako nabaliw sayo.

Ngunit kahit magkagulo man ang mga salita na mababanggit mula sa bibig kong nanginginig sa tuwing naririnig ko ang apat na pantig mula sa bibig mo mula sa boses mong niyayakap ako sa lamig, ang puso ko'y mananatiling sayo

Bukas.

Sa susunod na araw.


Mga buwan at mga taon. Dekada  o kung sakaling tumigil man ang oras.

Mahal kita.

Alam kong masyado nang nakakaumay, pero oo, totoo.

Palagi.

At kahit sa iba mang mundo, iyan ang palaging sasambitin ng mga labing patuloy na nangangako sa'yo.

Mahal kita.

Deanna

Nang matapos kong basahin yun ay punong puno ng mga luha ang aking mga mata at tuluyan itong bumagsak.

“Letche ka Jema! Pinaiyak mo ako! Hmp! Hindi na tayo bati kala mo ha.” Umiiyak na sabi ni Ria sa akin habang patuloy ang pagpunas nya sa kanyang mga mata

“Sorry po. Ewan ko ba, mahal na mahal ko si Deanna kaya ang hirap para sa akin na hindi magsulat ng hindi tungkol sa kanya.” pangangatwiran ko dito.

Lahat lahat sa akin ay tungkol sa kanya.

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now