10

6.9K 152 10
                                    

JEMA

Ipinarada ni Luigi ang sasakyan nya sa tapat ng kapit bahay nila Deanna para hindi mahalata at saka ako bumaba.

Pinindot ko ang intercom at kinakabahang nagsalita.

“Hello po, ako po si J-Jessica, kaibigan po ako ni Deanna. Nandyan po ba sya?” Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo ko dahil ramdam ko na rin ang panghihina.

Wala akong nakuhang sagot sa intercom bagkus ay isang babaeng naka suot ng uniporme ang lumabas.

“Pasensya na hija wala ang mga amo ko kung kaya ako lang ang naiwan dito kasama ni Ma'am Deanna at ang mga kasambahay. Halina po kayo.” pagpapaumanhin nya sa akin

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong wala ni isa sa mga amo nya ang nandito.

Kung napaka ganda ng bahay namin ay yun naman ang dinoble ng bahay nina Deanna.

Napaka garbo nito sa makaluma ngunit puro marmol na disenyo nitong mala kulay ginto.


Sa gilid ay may malaking larawang nakasabit.


Larawan ni Deanna at ng kanyang mga magulang. Mga limang taon pa lamang sya nito sa tansya ko.

Inihatid ako sa pinakahuling kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

“Kakatukin ko pa po ba, Ma'am? o kayo na po ang bahala?” magalang na tanong nito sa akin

Tipid ko lang syang nginitian

“Hindi na po ate tsaka Jessica na lang po itawag nyo sa akin. Salamat po pala.” Nagpaalam pa syang maliligo muna bago umalis at tumango na lang akong muli.

Walang sabi sabi ay ginawa ko na ang lahat ng bilin ni Luigi para mabuksan ang pinto.

Nagmamadali akong pumasok doon at nadatnan ko ang walang malay na katawan ni Deanna.

Umiiyak ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Nagmamadali ko syang binalot sa kumot at agad na itinakbo papalabas ng bahay nila.

Binuksan ni Luigi ang likod na parte ng kanyang sasakyan at saka tinulungan akong maipasok si Deanna.

“Kailangan kong bumalik doon isasara ko na ang pinto ng kwarto nya.” hinihingal na sabi ko.


Patuloy ang pag agos ng likido mula sa mga mata ko pati na ang pawis ko ay tumatagaktak pero wala na akong pakielam.


Maharas ko itong pinunasan at saka nagmamadaling umakyat ng pinto at isa isang kinandado ito sa loob.

Delikado man ay tumalon ako mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.



Bumalik ako sa taas para kunwaring doon ko ito kinandado

Nagulat na lamang ako ng marinig ang tinig na iyon.

“Oh Jessica? Bakit parang pagod na pagod ka?” takang tanong ng Mayordoma nina Deanna.


“Uh— ang hirap po kasi nung kailangang ivideo namin para sa documentary po. Pinapasabi po pala ni Deanna na huwag na daw po syang katukin hanggang isang araw bago makabalik ang papa nya, may stock naman daw po sya ng pagkain sa loob palagi.” ito ang kauna unahang beses na nagsinungaling ako magmula nang matutunan ko na ang pag sisinungaling ay hindi maganda

“Huh? ay nako hija ganyan talaga si Ma'am Deanna, mas gusto magkulong sa loob kaysa maglagi dito sa labas. Nakakapagtaka lang na nagpaalam pa syang wag na syang katukin pero baka ayaw lang talaga mag pa istorbo ano? Nga pala, sa susunod na linggo pa ang balik nina Sir kasama ang pinsan nya at ang anak nito.” mahabang paliwanag nito kaya nadadagdagan ang takot na nararamdaman ko.

“Uhm ate? uuwi na po ako ha? Hinahanap na po kasi ako nina Mommy sa bahay. Salamat po!” nakangiting paalam ko at nang tumango sya ay nagtatakbo ako pababa at dumiretsyo na sa sasakyan


“Teka! Luigi hindi tayo pwedeng pumunta sa hospital! Malamang sa malamang, itatanong nila kung bakit ganito ang kalagayan ni Deanna. Idiretsyo mo sa bahay namin dali!” sigaw ko pero hindi nya ako pinakikinggan o baka pinakinggan naman nya ako, ayaw lang nya akong sundin

“Luigi, do you trust me?” seryosong tanong ko sa kanya. Bahagya syang napatingin sa akin sa salamin sa kanyang harapan.

Hawak ko ang braso ni Deanna habang ang kanyang ulo ay nasa dalawang hita ko.


Bahagya syang tumango “Then fucking go straight to our house! We have a family doctor na mapagkakatiwalaan namin. Tatawagan ko na si Mommy right away just please umuwi na tayo sa amin.” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak ngayong araw dahil sa matinding sakit at awa na nararamdaman ko.

Dialling Mommy...

00:05

“Hello mama! Tawagan nyo po at papuntahin si tita Doc said bahay ASAP po please. Emergency lang, ma. Bye!” iyon lang ang nasabi ko kay Mama habang magkatawagan kami

Umaasa akong ginawa ni Mama ang hiningi kong pabor sa kanya

Lord please iligtas nyo po sya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay at agad na bumungad sa amin si Mama na alalang alala.

“Mom, nagpapaliwanag ako mamaya just please open the door first. Nasa kwarto ko na po ba si Doctora De Jesus?” nag aalalang tanong ko. Ni minsan ay hindi pa ako nakaramdam ng sobrang pag katakot katulad ng nararamdaman ko ngayon.

“Oo anak. Dalian nyo iakyat si Deanna sa loob.” natatarantang utos ni Mommy at ginawa naman namin.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay agad kaming pinalabas ni Doctora De Jesus


Tumagal sya ng 30 minuto sa loob at masasabi kong iyon na ang pinaka mahabang 30 minuto na dumaan sa aking buhay

Bawat pag ikot ng kamay ng orasan ay syang pagkabog nang napakabilis ng aking puso.

“Jema anak, your friend is now stable. Nasobrahan lang sya sa ininom nyang gamot and her upper body naman will be fine linisin lang ang mga open wound nya every 6 hours, okay? She will wake up anytime now. I have all the medicine that she needs. You can read my hand writing right? I took down all of the do's and don't. All the bilin ha? Make sure you'll feed your friend before she take her medicines okay? I need to go now, sweetie. Byebye.” nakangiting paliwanag ni tita Ella sa akin.


Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nadatnan ko ang wala pa ring malay na si Deanna.

“Thank you, Jema.” bakas sa boses ni Luigi ang hiya kaya para mawala iyon ay biniro ko na lang sya

“Asus, ikaw talagang torpe ka! Utang to noh! Joke. Hahahaha luckily, God and Lord is on our side. 1 week na walang tao sa bahay nila Deanna. And their maid seems believed in me.” naka ngiti kong paliwanag habang naka tingin kay Deanna

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na si Luigi sa akin at sa pamilya ko na uuwi na raw sya.

Hinatid naman sya nina Mama sa labas.


Hinalikan ko si Deanna sa kanyang noo.

Gising na, Deanna. Miss ka na namin.

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now