2

11.2K 171 7
                                    

JEMA

Matapos ang tagpong iyon ay may mas nag udyok sa aking mas kilalanin siya.

Kaya naman kahit pakiramdam ko ay may nakakahawa syang sakit dahil sa paulit ulit nyang pag iwas sa mga tao ay lumalapit pa rin ako sa kanya


Kasalukuyan kaming magkaklase at bakante ang ilang mga upuan kasama na rito ang upuan ng seatmate kong si Deanna

“Miss Galanza, are you with us?” masungit na tanong sa akin ng professor namin at naka kunot na ang noo nya sa akin

Nabigla ako kaya napatayo ako “Get out of my class, now!” bulyaw nito sa akin kung kaya dali dali akong lumabas ng silid na iyon.

Ito ang unang beses kong napagalitan dahil sa pagkalutang ko, nakakahiya!


Simula noong elementarya ako ay hindi ako pumapalya at palagi akong nasa achievers kaya hindi ko talaga maisip na malalagay ako sa kahihiyan


Naglakad lakad na lamang ako ng makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa banyo ng mga babae.

“Sige, ibuhos nyo pa girls. Para naman matauhan yang psycho na yan na walang gustong makipagkaibigan sa kanya.” sigaw ng isa sa mga blockmate namin, hindi ko alam pero mas mabilis akong maka tanda ng mga boses o paliwanag sa tuwing naririnig ko iyon.

Nakaramdam ako ng pagtayo ng mga balahibo ko sa buong katawan nang makarinig akong hikbi ng isang babae

Hindi ako pwedeng magkamali! Siya nga iyon! Si Deanna

Agad kong tinungo ang pinanggagalingan ng ingay at doon ay tumambad sa akin ang mga kahayupang ginagawa nila kay Deanna.

Binubuhos sa kanya ang isang maduming tubig na pinaggamitan sa paglilinis o mop.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay nahila ko ang block mate kong tuwang tuwa pang kumukuha ng video.

At naitulak ko lahat ng iba pang kasama nya


“Fuck all of you! Mga walang puso! Sa susunod na gagawin niyo ito ay hindi ko na kayo palalampasin. Tangina nyo! Pag may nangyari sa kanya, lintik na lang ang walang ganti!” Sa hindi ko malamang rason ay grabe na lang ang naging pag init ng ulo ko sa kanila.



Tila nabuhusan sila ng malamig na tubig sa ginawa ko kaya agad silang lumabas ng cr.





Agad namang tumayo si Deanna dahil kanina ay nasa sahig na sya at naka upo.



“Hindi ka naman kasali, bakit ka sumasali? Wag ka na ngang lumapit sa akin!” nabigla ako sa ginawa nyang pag sigaw kung kaya hindi ko namalayang umiiyak na pala ako

“Hindi ko kailangan ng tulong mo at mas lalong hindi kita kailangan sa buhay ko, kaya ko ang sarili ko. Just fuck off!” iyon ang huli nyang sinabi at saka umalis na



Malungkot akong naglakad pabalik sa aming silid dahil pangalawa at huling asignatura na ang aming pag aaralan.






Nakabihis na si Deanna nang madatnan ko ito at nasa pinaka sulok sya kung kaya nag iwan ako ng dalawang upuan na pagitan sa aming dalawa.

Pa sulyap sulyap lang ang tanging nagawa ko sa loob ng tatlong oras na iyon, batid kong nakielam naman talaga ako ngunit nasasaktan ako nang sabihin nyang hindi nya kailangan ng tulong ko.

Maski ako ay hindi na rin alam ang gagawin kung paano ko sya kikilalanin pa kung sinabi na nya agad na hindi naman nya ako kailangan sa buhay nya



INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now