11

7.2K 176 15
                                    

DEANNA

“Hi I'm Kat but you can call me Kitty Kat. Lets be friends?” naka ngiti ang babae sa harap ko at inabot nya ang kanyang kamay sa akin


“Sige.” nahihiya kong tugon at saka nakipag kamay sa kanya

Ilang buwan makalipas




“You know what, I really like your taste in music. Fan din kasi ako ng mga ganyan. Not just because uso, gusto ko lang talaga yun.” naka ngiting paliwanag nya habang naglalakad kami papunta sa aming silid.


Sophomore na kami ngayon at unang asignaturang pag aaralan namin ay English.


Nagkatinginan kami nang makita namin na may guro na kami sa loob.

“patay!” parehas naming sabi nang lumapit ito sa amin

“Miss Tolentino and Miss Wong, you are both 25 minutes late! Lets talk outside!” bulyaw sa amin nito.

Isa lamang iyon sa mga naging nakakatawang karanasan ko sa sekondarya kasama sya.



Lumipas ang dalawang taon



Araw na ng aming pagtatapos.

“Saan ka nag enroll for college C?” tanong ko sa kanya habang tinatawag na ang ibang seksyon. Tapos na kami dahil sa Star section naman kami


“Ikaw ba B, saan?” tanong nya pabalik na ikinatawa naming pareho

“Basta promise C, hindi ako magbabago kahit magkalayo man tayo ha? Mamimiss kita.” sabi ko at niyakap sya ng pagkahigpit higpit.


“Sus! Wag mo akong kakalimutan ha! Baka mamaya ipagpalit mo ako!” Malungkot na sabi nito.



Maliban kay Luigi, si Kat ang unang babaeng kaibigan ko sa paraalan ko.



Napakahabang istorya kung paano kami naging magkaibigan dahil ilag nga ako sa mga tao.


“Sa Maynila na ako mag aaral, B. Sa UST kasi ako nakapasa. Ikaw ba?” muling tanong nito sa akin


Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi nya. Magkakalayo na talaga kami.


“Sa Ateneo ako, C. Bisitahin natin ang isa't isa ha? Hayaan mo top one ka pa rin sa mga priorities ko!” paliwanag ko sa kanya at tuluyan na nga akong naluha.


Ilang buwan lamang ang lumipas ay ramdam ko ang laki ng pagbabago nya at nasasaktan ako dahil doon





Tumindi ang pagitan sa aming dalawa makalipas lamang ang tatlong linggo simula nang balik eskwela nila.


Naging madalang ang pag uusap namin sa text chat o tawag. Nagkita kami isang beses lamang yun at panay pa puro telepono nya ang inaatupag.


Sinubukan kong magpanggap na ayos lang ang lahat. Na okay pa kami kahit ang totoo ay nasasaktan ako dahil mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa akin ng matalik kong kaibigan



“Pag naging masaya ako dahil may nakita akong tweet ibig sabihin nun, ako mismo ang susuyo sa kanya.” naka ngiting kinakausap ko ang sarili ko at binuksan ang app na Twitter

Sana pala hindi na lang, para akong niyayapos ng aking hininga




Napakasakit ng nararamdaman ko nanginginig ang mga tuhod ko kung kaya tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.

» Kat tweeted a photo

Twinning with my bestfriends! 😏💁 #JustTheFourOfUs «

Yan ang nabasa ko kasama ang larawang kasama nya ay ibang mga tao na.






Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon. Sinubukan ko syang kausapin tungkol doon ngunit ang isang araw, isang mensahe na lang ang iniwan nya at saka ako tinanggal sa buhay nya

“Deanna, sa totoo lang hindi ko minsan naisip na kakaibiganin ko ang tulad mong nerd at walang kwenta! Sinayang ko yung squad ko just because of you! Sayang naman ang tatlong taon ko sayo tch. Magpakasaya ka kasama ng kaibigan mong torpe, oh yeah I'm talking about Luigi baka lang tanga tanga ka at hindi mo ma-gets ang gusto kong sabihin. Tandaan mong walang gustong makipagkaibigan sayo! Bye!”

Tanging iyak lang na naman ang nagawa ko dahil takot na takot akong ipagtabuyan nya ako kung sakaling magkita kami.


“Wag mo akong iwan, Kat please!” sigaw ko at narinig ko lamang ang sigaw ng isang babae

“Deanna! Mama gising na si Deanna.” nagmulat ako ng mga mata ko


Hindi pamilyar sa akin ang paligid ko. Sa pagkakatanda ko ay kagabi, si Daddy, ang pananampal nya at pag sasalita nya ng kung ano ano laban sa akin.


“Deanna anak? Naririnig mo ba kami?” bahagya akong tinapik tapik ni Mama


Tumango tango lang ako bilang sagot. “Jema anak kumuha ka ng tubig dali.” bakas sa boses nito ang saya at ang pagkataranta ng bahagya

Agad akong inalalayan ni Mama para makaupo at makasandal sa sandalan ng kama


“Anak, inom ka muna ng tubig at saka pakakainin ka ni Jema. Pasensya na't kailangan ko na ring pumanhik sa silid namin ng papa mo gagawa pa kasi ako ng visual aid ko para bukas. Pasensya na ha? Good night anak. Mahal ka namin.” Hinalikan nya ako sa aking noo.


Nang makainom ako ng tubig ay naluha ako. “Miss na miss ko na si Mommy, Jema.” Wala sa oras kong sabi sa kanya.


Kumikirot ang mga sugat ko pero mas nangingibabaw ang nararamdaman kong kirot sa dibdib ko.


“Shh— kumain ka na muna okay? Para mamaya iinom ka na ng gamot mo.” pag aalo nya sa akin



At pinakain nga nya ako, matapos pa nun ay pinainom nya ako ng gamot.


“Tayo ka muna dahil gabi ngayon. Kailangan mong matunawan.” nakangiting sabi nya



Inalalayan nya akong tumayo at saka nanatiling hawak nya ako sa bewang ko

“Takot na takot ako kahapon. Pero akalain mo yun? Nagawa kitang maitakas sa bahay nyo haha” natatawa syang nagkukwento sa akin habang nakatayo pa rin kami


“Isang linggo wala ang Papa mo kasama daw yung—” ayoko nang marinig ang sasabihin nya


“Ah oo alam ko.” tipid na sabi ko.

Naging tahimik kami sa mga sumunod na minuto. “Napakabakla pala ni Luigi noh? Umiiyak sya kahapon nang puntahan nya ako dito sa bahay. Langya ako pa nagdrive papunta sa bahay nyo. Siya nga lang nagpark hahaha” nakangiting kwento nya sa akin

“T-thank y-ou, Jema.” tumingin ako sa ibang direksyon dahil nahihiya akong salubungin ang mga tingin nya

“Dont mention it. Anak ka kaya nina Mama at Papa! Tutulungan talaga kita. Nga pala, tatabihan kita sa pag tulog ha?” naka ngiti pa rin sya habang nagpapa alam.



Nang oras na ng pag tulog ay tinabihan nya nga ako at niyakap pa.


Unang beses na pumikit ako ay wala akong napanaginipang masama.


Lord, God, Ito na po ba iyong rasong binigay nyo sa akin? Sana...

INDENTED (GaWong) EDITINGWhere stories live. Discover now