Chapter 5

1.9K 59 78
                                    

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Max sakin kahapon. Bigla nalang ako nagpaalam sa kanya na babalik na ako ng bahay at tinawagan ko sina Kuya na sunduin ako dahil nag-alibi ako na may emergency ako sa bahay pero ang totoo, umiiwas ako. Hindi ko alam kung paano sagutin si Max na may Bank na ako.

Nandito ako ngayon sa TV Network namin dahil kinuha ako ni Tita Yihwa as a stylist para sa model niya. Nagpapagawa kasi siya ng advertisement para sa bagong collection ng clothing line niya. Nakatulala lang ako dito habang pinapanood yung video shoot.

"Theo, may problema ka ba? You know, you can always count me kapag may problema ka."

Napansin pala ni Tita Yihwa na I'm in deep thought.

"Wala naman Tita. I'm just thinking on what will be the future of my career." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti sakin si Tita Yihwa at kinurot pa niya pisngi ko.

"Pareho talaga kayo ng Mommy mo palaging nawala ang isip sa mundo. Anyway, if you really love what you're doing then you'll be successful soon. Hindi muna sa ngayon, baka sa mga susunod na araw siguro."

Napakaseryoso naman ni Tita. Hindi naman tungkol diyan ang iniisip ko kundi ang lovelife ko. But, Tita Yihwa always care for us especially me kasi mas feminine ang features ko at lapitin daw ng boys. Well, that's true enough kaya nasanay na ako.

Biglang iniba ni Tita Yihwa yung topic at napag-usapan na namin yung mga bagong collection niya. Mahilig din naman ako sa fashion kaya may nai-share din ako sa kanya.

"Hayaan mo ko na i-style yang collection mo Tita Yihwa."

"Of course! Kaya nga ikaw kinuha ko kasi you've been in Europe for four years and look at those models now, they look amazingly beautiful dahil sa style mo." Sabi pa niya.

I took it as a compliment.

Master ko na yung pagiging stylist ko but not an expert. Masaya naman ako at nagustuhan ni Tita Yihwa yung pagstyle ko sa mga models.

Nagiging busy ulit ako nung nagpalitan na naman ng damit at ako lang talaga mag-isa ang magstyle ng lahat ng models. Siguro, maghanap na ako ng assistant ko.

Inuna ko ang mga babae kasi sila yung maraming ka-artehan sa damit at ngayon, inasikaso ko na ang mga lalake. Medyo nagmadali na ako sa mga guys kasi I almost took the time sa mga girls. Napagod na rin ako nung inasikaso ko na ang huling male model.

"Anong pangalan mo?" Tanong nung male model na inasikaso ko.

Hindi ako sumagot dahil naka-concentrate na ako sa pag-ayos ng polo niya. Ayoko na din madelay ang shoot kaya nagmadali na ako. Habang inaayos ko na yung pantalon niya sa may hips ay bigla niya ko pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ko. Doon na ako napatingin sa male model.

"Anong pangalan mo?" Inulit niya yung tanong at nakangiti siya sakin.

"Theo." Tipid na sagot ko at tumango siya habang nakangiti pa.

"I'm Pleum."

Okay, I didn't ask for his name.

"Can I have your number if that's okay?" Tanong niya.

Umiling ako at pinagpatuloy ko na yung trabaho ko. Doon ko lang naisip na wala akong naramdaman na spark reaction mula sa kanya nung hinawakan niya ko. Naalala ko tuloy yung encounter ko kay Max. Napailing nalang ulit ako.

"Ayan, you're good to go." Sabi ko.

"Nah... hindi ako aalis dito hanggat hindi mo binigay sakin yung number mo."

My Sweet LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora